GMA Logo Derrick Monasterio and Royce Cabrera in Fast Talk
What's on TV

Derrick Monasterio, Royce Cabrera share what it means to be sexy

By Kristian Eric Javier
Published March 14, 2025 9:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Arra San Agustin, naniniwala na ‘insecure’ ang mga nagtataksil sa relasyon
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio and Royce Cabrera in Fast Talk


Ano nga ba para kina Derrick Monasterio at Royce Cabrera ang ibig sabihin ng sexy?

Sa pagbisita nina Derrick Monasterio at Royce Cabrera. sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 13 ay ipinahayag na ng dalawang Kapuso hunks kung ano para sa kanila ang ibig sabihin ng "sexy."

Para kay Derrick, ito ay stability, “'Pag stable ka sa buhay, 'pag alam mo 'yung goals mo, 'pag meron kang direction. It has nothing to do with the body.”

Pagbabahagi ni Derrick, kaya lang naman siya nagwo-work out ay para sa numbers; para aniya lumakas ang deadlifts at benchpresses niya. Ang totoong sexy para sa aktor ay kung papaano dinadala ng isang tao ang kanilang sarili.

Disiplina at consistency naman maituturing ni Royce na sexy, lalo na at ito mismo ang dahilan kung bakit meron silang magagandang katawan ni Derrick.

“Parang dito naman, kaya siguro meron din kaming ganitong klaseng physique kasi meron kaming disiplina, consistent kami sa kung ano 'yung goal namin sa body nga namin,” sabi ni Royce.

Dagdag pa ng aktor, hindi lang ito para sa mga gustong mag-work out, kundi sa iba't ibang bagay na gustong gawin ng isang indibidwal.

RELATED: JAW-DROPPING TOWEL PHOTOS OF KAPUSO HUNKS

Dahil sa kanilang mga sagot, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung bakit sila nagpupunta sa gym, “Ito ba'y dahil sa trabaho, ito ba'y dahil sa kalusugan, ito ba ay dahil you want your girlfriends or the public to appreciate you?”

Sagot nina Royce at Derrick, “Lahat, lahat.”

“Ang ibig ko pong sabihin, para sa lahat ng bagay na 'yun na binigay niyo po,” paglilinaw ni Royce.

Dagdag pa ni Derrick, para rin ito sa kanilang kalusugan.

Samantala, aminado naman si Derrick na naging malaking tulong ang kanyang katawan para ma-cast sa kaniyang pinakabagong role sa GMA Network at VIU original series na SLAY.

Aniya, “Well, Tito Boy, para 'yun 'yung sinabi sa akin ni Miss Garlic (Viu Philippines Head of Content Garlic Garcia) na pinili niya ako for this role kasi bagay daw sa akin 'yung role. So I guess nakakahanap naman po [ng trabaho]. May kinalaman.”