Iza Calzado daughter Deia Amihan
Source: missizacalzado/IG
TV

Iza Calzado, may isang panalangin sakaling mag-showbiz ang anak na si Deia

By Kristian Eric Javier
Ano-ano ang kinakatakot ni Iza Calzado kung sakaling gustong mag-showbiz ng kanyang anak na si Deia Amihan?

Isa lang umano ang panalangin ng aktres na si Iza Calzado sakaling magpakita ng interes ang anak na si Deia Amihan sa show business at ito ay ang magkaroon siya ng lightness sa kaniyang sarili.

Sa pagbisita ni Iza Calzado sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, February 25, tinanong siya ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang magiging pinaka malaking takot niya kung sakaling magpakita si Deia ng interes pumasok sa showbiz.

Pag-amin aktres, ay maraming posibilidad ang puwedeng mangyari sa kaniyang anak, “Let's say hindi dito sa Pilipinas, wala ang proteksyon ko, let's say lang. Puwedeng sexual assault, I mean all these things, 'di ba? I mean you think [about] all these things, rape, somebody taking advantage of her, somebody powerful. These are all possibilities.”

Isa pa umanong takot ni Iza Calzado para kay Deia ay ang maligaw ito sa buhay ng isang artista. Ngunit kahit mayroon siyang mga alalahanin ay hindi niya umano ito masyadong iniisip dahil alam niyang hindi naman niya mapipigilan ang buhay ng kaniyang anak.

“Hindi po natin mapipigilan ang kung ano man, ang baraha, ang pag-ikot ng mundo,” sabi ng aktres.

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG SUNFLOWER-THEMED PHOTOS NI DEIA SA GALLERY NA ITO:

Sa halip ay meron na lamang siyang panalangin para kay Deia, “My prayer is for God to keep her strong, for her to be resilient, so that whatever happens in life, whatever, wherever life takes her, babangon at babangon siya.”

Pagpapatuloy ni Iza Calzado ay sana, sa kabila ng struggles at challenges na maaaring kaharapin ng anak sakaling magdesisyon itong pumasok sa showbiz, ay manatili na magkaroon ito ng lightness sa kaniyang puso.

Nitong January ay ipinagdiwang ni Deia Amihan ang kaniyang ikalawang kaarawan sa pamamagitan ng isang Pinoy fiesta-themed birthday party na inihanda nina Iza Calzado at asawa niyang si Ben Wintle.

RELATED CONTENT: Iza Calzado's baby Deia Amihan gets a Pinoy fiesta-themed birthday!

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.