BB Gandanghari
TV

BB Gandanghari, nahirapan sa pag-transition niya bilang isang transwoman

By Kristian Eric Javier
Alamin kung ano ang pinagdaanan ni BB Gandanghari sa kaniyang transition, dito.

“No, it wasn't easy. It's the hardest.”

Ito ang nagging pahayag ni BB Gandanghari tungkol sa pinagdaanan niyang transition mula sa pagiging si Rustom Padilla para maging isang transgender woman.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, January 14, sinabi ni BB na malayo sa akala ng iba na “everything was honeymoon, everything was on a bed of roses” ang kaniyang transition. Sa halip, inamin nito na napaka hirap. Katunayan, hindi pa nga ito agad natanggap ng kaniyang kapatid na si Senator Robin Padilla.

Pag-alala ni BB, “There was a time na ayaw niya akong makita.”

Inamin rin ni BB na “maraming nawala” sa buhay niya nang magsimula ang kaniyang transition, at marami ang nagtampo nang bigla siyang mawala sa paningin ng publiko.

“Nako, maraming nawala. Marami kasing nagtampo dahil part of my transition was actually to isolate myself so maraming hindi nakaintindi du'n sa isolation ko,” sabi ni BB.

Tanong sa kaniya ni King of Talk Boy Abunda, “Hanggang ngayon? Nawala at hanggang ngayon, wala pa rin?” na sinagot naman niya ng 'Oo.'”

Ngunit ayon kay BB ay naintindihan naman niya ang naging reaksyon ng mga taong nawala sa buhay niya dahil hindi naman nila umano naiintindihan kung ano ang pinagdaanan niya. Sabi pa nito, baka inakala lang ng mga tao na bigla lang talaga siyang nawala.

“On the contrary, it's really part of the transition. And then, sa mga taong nanatili, Pops (Fernandez) is there. It proved to be na meron kaming tampuhan, meron kaming ano, but she understood all the way. Marami din kasi kaming pinagdaanan,” paglalahad ni BB.

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA PROUD MEMBERS NG LGBTQIA+ COMMUNITY SA GALLERY NA ITO:

Pagdating naman sa relasyon nila ngayon ng kapatid ni Robin, ang masasabi ni BB, “Ngayon ang relasyon ko kay Robin is brother and sister.”

Kuwento ni BB ay ramdam na ramdam niya ang pagtrato sa kaniya ni Robin bilang babae, lalo na kapag magkasama sila. May mga pagkakataon na sasabihin nito umano sa kaniya na “Ladies first,” o kaya naman ay pagpapasuot sa kaniya ng hijab nang minsang pumunta sila sa isang Mosque sa Taiwan.

“Nire-recognize niya lahat ng iyon. He's treating me as a sister now more than a brother. And then also, dahil iba na 'yung personality, tinatrato niya 'ko bilang mas batang kapatid,” sabi ni BB.

Dagdag pa ng dating aktres, ang ina nilang si Mommy Eva umano ang nakatulong para mag-pivot sa pagtrato sa kaniya ang kapatid.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.