Michael Sager, Jillian Ward
Sources: michaelsager_/IG, jillian/IG
TV

Michael Sager, proud sa naging improvement nila ni Jillian Ward

By Kristian Eric Javier
Proud si Michael Sager sa improvement nila ni Jillian Ward pagdating sa mga titigan scenes.

Matapos makasama ni Michael Sager si Jillian Ward sa hit medical series na Abot-Kamay na Pangarap ay makakatrabaho niya muli ang Star of the New Gen sa isang panibagong serye, ang My Ilonggo Girl.

Sa guesting ni Michael at co-star nilang si Empoy Marquez sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, December 7, ay kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang experience niyang makasama muli si Jillian sa bagong serye.

“It's actually really great, Tito Boy. At first, after Abot-Kamay, this is our first show together again,” sabi ng aktor.

Dito ay ikinuwento na ni Michael ang isang cute na reaksyon umano ni Jillian habang ginagawa nila ang ilang eksena.

“'Yung mga eksena namin na malapitan, 'yung mga kilig scenes, there are some times na makikita mo how pure and innocent Jillian is kasi natatakot siya kapag nilapitan so it's very cute,” sabi ng aktor.

Dagdag pa niya ay masaya siyang habang tumatagal ang pagtatrabaho nila ng magkasama ay nagiging mas maganda ang kanilang relasyon bilang mga aktor, at sinabing proud siya sa naging improvement nila lalo na sa mga titigan moments nila para sa serye.

Nang tanungin naman ni Boy ang co-star niyang si Empoy kung may napapansin ba siya sa mga titigan nina Michael at Jillian, ang sagot ng aktor at komedyante, “Meron.”

“Titig na titig sila sa isa't isa, Tito Boy. Tantalizing eyes, pareho sila,” pagbabahagi ng aktor.

TINGNAN ANG ILANG DRESS TO IMPRESS PHOTOS NG 'MY ILONGGO GIRL' STARS KABILANG SINA JILLIAN AT MICHAEL SA GALLERY NA ITO:

Nag-surprise guest appearance din si Jillian sa Fast Talk with Boy Abunda kaya naman tinanong na siya ni Boy kung kamusta katrabaho sina Michael at Empoy.

“Well, si Michael po, masaya siya katrabaho, makulit siya, napakabait, napaka-professional. Pero honestly, Tito Boy, sa taping, nadi-distract talaga ako sa kagwapuhan ni Kuya Empoy. Hindi ako makapag-lines. Alam mo 'yung titingnan ko siya, napapangiti ako,” natatawang sagot ng Star of the New Gen.

Pagpapatuloy pa ni Jillian, “Hindi ko siya kayang tingnan kasi iba talaga 'yung appeal niya, parang grabe.”

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.