Hilda Koronel on Lino Brocka: 'I trust him'
Malaki umano ang tiwala ni Philippine cinema icon Hilda Koronel sa batikang direktor na si Lino Brocka. Katunayan, ito lang ang nakakaalam ng buong storya at buhay ng beteranong aktres.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, December 19, kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang pagiging direktor ni Direk Lino. Ikinuwento ni Hilda na kung gusto ng batikang direktor na sa isang mata lang papatak ang luha at saad niya: “I do my best.”
Nagagawa lang daw ito ni Hilda noong kabataan niya. “Yeah, 'cause ang lighting, very important kay Lino, e. so 'pag sasabihin niya, 'Gusto ko dito bumagsak 'yung luha mo.' So I do my best. But he talks to me on the side and Lino knows me in and out,” sabi ni Hilda.
“He knows all my stories, my heartaches, everything. My personal stuff, I trust him with that. So he would tell me, 'I want you to use your experience here, gamitin mo dito sa eksenang ito,'” paglalahad ni Hilda.
Dagdag pa ng aktres, ilang parte ng kaniyang buhay ay nagamit umano ni Direk Lino sa kaniyang mga pelikula, kabilang na ang Insiang.
Aniya, “Actually parts ng Insiang ay parts of my life, and so are some of the movies that I have done like Hello Soldiers, it's part of my life. So he picks a little bit of that and he expands it to become a film. Alam niya kasi ang storya ko talaga e.”
BALIKAN ANG MGA PILIPINONG DIREKTOR NA PUMANAW NA SA GALLERY NA ITO: