Beauty Gonzalez, walang insecurities sa marriage nila ni Normal Crisologo
Para kay Kapuso actress Beauty Gonzalez, relaxed lang ang married life nila ng asawang si Norman Crisologo, malayong-malayo sa karakter niyang si Gloria sa action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 27, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda kung matinik ba bilang isang misis si Beauty sa asawa niyang si Norman.
Sagot ng aktres, “Oh, my God, I'm so relax. I'm very opposite of Gloria. I'm not matinik, I'm very relaxed lang 'cause a strict wife has a sneaky husband. Ganu'n din naman siya sa akin which is a healthy relationship.”
Katunayan, sabi ni Beauty, ay wala naman siyang boundaries para sa asawa at sinabing mas okay para sa aktres na nakikipagkwentuhan si Norman sa ibang girls.
Ngunit may kondisyon ang aktres ukol dito, “'Wag lang pangit. Hindi, joke lang!”
Paliwanag ni Beauty, “Kasi 'yan 'yung jokes naming dalawa, e. Like sabi niya, 'Babes, if you have some friends, dapat maganda lahat ng friends mo ha na dadalhin mo.' Siguro because we trust each other talaga and then we handle each other well lang.”
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG CELEBRITY COUPLES NA MAY MALAKING AGE GAP SA GALLERY NA ITO:
Aminado rin ang Kapuso actress na kahit wala siyang insecurities sa relationship niya sa kaniyang asawa, marami naman siyang insecurities sa sarili. Pero nabawasan na naman ito dahil rin kay Norman.
Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami na mayroong 20-year age gap sina Beauty at Norman, ngunit ayon sa aktres, hindi naman naging hadlang ito sa kanilang pagsasama. Ayon pa sa aktres, ang pinakamaganda sa pagkakaroon nila ng age gap ni Norman ay nakilala nila ang isa't isa sa tamang panahon.
Paliwanag ni Beauty, “Right timing kasi if I've met him years ago and hindi ganu'n 'yung age namin, ang dami niyang girls. Pero ngayon, sakto 'yung timing ng pagkakilala namin; I want more security, he gave me that. I want more support, he gives me also that. So parang all-in-one. I think it's the right timing and lucky, we just feel lucky."
Panoorin ang panayam ni Beauty Gonzalez dito: