GMA Logo ogie alcasid
Source:ogiealcasid/IG
What's on TV

Ogie Alcasid, sinagot kung sapat na ba ang pag-ibig sa isang relasyon

By Kristian Eric Javier
Published November 12, 2024 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

ogie alcasid


Alamin kay Ogie Alcasid kung ano pa, bukod sa pag-ibig, ang kailangan ng isang relasyon para tumagal ito.

Para kay OPM Icon Ogie Alcasid, hindi sapat ang pag-ibig lang sa isang relasyon. Sa halip, meron pang ilang importanteng bagay na kailangan para umano magtagal ito.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, November 12, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang naging panayam niya kay Comedy Concert Queen Aiai delas Alas kung saan inalala niya ang dahilan ng paghihiwalay ng aktres at dating asawa na si Gerald Sibayan.

Matatandaan na ayon sa chat ni Gerald kay Aiai, ang dahilan kung bakit niya gustong magkipaghiwalay sa aktres ay dahil gusto na niyang magkaanak, at na hindi na siya masaya sa kanilang relasyon.

Kaya naman, tinanong ni Boy si Ogie kung sapat na ba talaga ang pag-ibig lang para magtagal ang isang relasyon. Ang sagot ng OPM Icon, “No, it's not.”

Paliwanag ni Ogie, “Isipin mo, Kuya Boy, dalawang tao, magkaiba. Lalaki, babae, magkaiba ng ugali at lahat. Sa simula, maganda 'yun, maganda 'yung pundasyon ng pagmamahalan. Pero para magtagal, kung walang respeto sa isa't isa at pananampalataya para sa isa't isa, hindi siya magtatagal.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILAN SA SWEETEST MOMENTS NINA OGIE AT REGINE SA GALLERY NA ITO:

Samantala, bilang regalo sa kaniyang asawa na si Regine Velasquez sa kanilang nagdaang anibersaryo, may isinulat na kanta si Ogie na may pamagat na "Ikaw Lang, Mahal." Ayon kay Boy, ito ay tila tungkol sa pagpili ng dalawang nag-iibigan sa isa't isa araw-araw.

Kaya naman, tanong niya kay Ogie, “Paano niyo pinipili ang isa't isa araw-araw?”

Sagot ng singer-songwriter, “Tama ka du'n, Boy, it really is, kailangan intentional. Sa mga pagkakataon na may away kayo, pipiliin ko ikaw. Ayaw kong sumama ang loob mo, pipiliin ko ikaw. So your emotions, your well-being, ikaw ang pipiliin ko. Sa mga pagkakataon na kailangan kitang alagaan, ikaw ang pipiliin ko.”

Dagdag naman ng batikang host, “At saka sa mga pagkakataon na napakahirap mong mahalin, ikaw ang pipiliin ko. Dahil hindi naman laging madali ang buhay.”

Sa huli ay nag-iwan si Ogie ng isang leksyon, at sinabing hindi naman kailangan manalo kapag nag-away ang isang magkarelasyon. Sa halip, mas mabuting magparaya na lang at isipin na lilipas din ang “munting tampuhan” nila.