GMA Logo SB19 Stell
Source: stell16_ (Instagram)
What's on TV

Stell sa isyu ng kaniyang sekswalidad: 'If ever man ganu'n ako, what's the problem?'

By Jimboy Napoles
Published August 27, 2024 6:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 Stell


May sagot na si Stell sa mga kumukuwestiyon sa kaniyang sekswalidad.

Sinagot ng SB19 member na si Stell ang hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa kaniyang sekswalidad.

Sa part 2 ng interview ni Boy Abunda sa tinaguriang P-pop Kings na SB19 sa kaniyang programang Fast Talk with Boy Abunda, tinanong niya ang mga ito tungkol sa mga kumukuwestiyon sa kanilang sexuality.

“Kaakibat ng pagsikat ay kontrobersiya. Isa na dito 'yung sexuality. What do you wanna say?” tanong ni Boy sa SB19.

Unang sumagot si Stell. Aniya, “'Di ko nga rin po talaga maintindihan. Kasi unang-una po, tingin po ba nila insulto 'yung ganung klaseng bagay? Ako, for example, lagi po akong natatanong or lagi pong nagiging issue po sa 'kin 'yun and I don't mind na kung if ever man isipin nilang ganun. Kasi if ever man ganun ako, what's the problem?”

Dagdag pa ni Stell, “So, if ever man na ganun ako, ano'ng problema? So, may issue ba tayo kung [for] example na maging bakla ako or anything naman na matawag n'yo sa akin? Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi.”

Tanggap din umano ni Stell na mahilig mag-ship ang kanilang fans kahit sa kaniyang kapwa SB19 members. Pero hindi lamang nila akalain na iba ang magiging dating nito sa ibang mga tao.

“Katulad nga po nung mga ganu'ng issue, na mahilig 'yung mga fans sa shipping. Hindi namin maiiwasan 'yun. Kasi kami nga minsan nagkaka-ano rin kami, bakit parang ganun 'yung tingin ng tao, e, sa 'min parang normal naman 'yun bilang magkakaibigan. Sa ibang tao, iba pala 'yung iniisip nila,” ani Stell.

Samantala, mapapanood naman si Stell sa pinakabagong The Voice Kids sa GMA. Makakasama rito ni Stell sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at kanilang pinuno sa SB19 na si Pablo.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4PM sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Personal facts about Stell Ajero, the main vocalist and lead dancer of SB19