Joaquin Domagoso, nasampal si Zonia Mejia sa 'Lilet Matias: Attorney-at-Law'
Pinag-usapan ang matindi at maselang eksena ng karakter na si Inno, na ginagampanan ni Joaquin Domagoso, kay Trixie, na ginagampanan naman ni Zonia Mejia sa hit Afternoon Prime series na Lilet Matias: Attorney-at-Law. Ayon sa aktor, may pagkakataon pa na totoong nasampal niya ang kaniyang kapareha.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, May 28, nagbigay ng ilang behind-the-scenes sina Joaquin at Zonia tungkol sa naturang eksena.
Kuwento ni Zonia, nag-usap-usap sila na bukod sa kanila ni Joaquin, ang kanilang direktor na si Aloy Adlawan, kanilang assistant director, at mga cameraman lang ang present sa kwarto kung saan ito kinunan.
KILALANIN ANG BUONG CAST NG 'LILET MATIAS: ATTORNEY-AT-LAW' SA GALLERY NA ITO:
Tungkol naman sa pagtatrabaho nila ni Joaquin, “Kasi kami, very collaborative naman kami ni JD, sasabihin niya, ito 'yung gagawin niya, ito 'yung gagawin ko, ito 'yung reaction ko, para walang gulatan.”
Ngunit kahit may usapan silang ganu'n, ayon kay Joaquin, ay may mga bigla siyang ginagawa na wala sa script na kailangan niyang ihingi ng paumanhin kay Zonia.
Aniya, “Parang there are things na bigla kong ginawa kasi 'yun 'yung na-feel ng character ko e. May nahawakan, may natamaan, or na-hurt ako minsan.”
Kuwento ni Joaquin, bigla at hindi sinasadyang nasamapal niya si Zonia ng totoong sampal.
“Aksidente kong natamaan si Zonia actually. I slapped her accidentally, with a real slap. Wala talaga sa usapan 'yun,” sabi niya.
Kahit sobrang nagulat si Zonia sa ginawa ng aktor, sinabi niyang totoo ang reaksyon na napanood ng mga tao.
“Sobrang totoo kasi wala rin sa script. Ako din po, nadala po ako [sa eksena] na na-feel ko talaga 'Shocks, ito na talaga 'yung nangyayari, nare-rape ako.' Mas na-feel ko 'yung eksena at mas nadala po ako,” sabi niya.
Panoorin sa ibaba ang nasabing eksena sa May 27 episode ng Lilet Matias: Attorney-at-Law:
Tutukan ang Lilet Matias: Attorney-at-Law mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits. Mapapanood din ito online via Kapuso Stream.