Kaye Abad, inaming nahirapang maka-move on noon kay John Lloyd Cruz
Inamin ng celebrity mom na si Kaye Abad na nahirapan siyang maka-move on noon sa ex boyfriend niya na si John Lloyd Cruz.
Sa isang pambihirang pagkakataon, muling napanood sa TV si Kaye nang bumisita siya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, April 12.
Sa kanilang kumustahan ni Boy Abunda, napag-usapan nila ang mga naging ex-boyfriend ng aktres sa showbiz.
“Sa mga exes, kanino ka nahirapan mag-move on?,” tanong ni Boy kay Kaye.
“Kay John Lloyd,” sagot ng aktres.
Paliwanag niya, “Ngayon ko lang din nare-recall e, nag-Tabing Ilog, hiwalay na kami. So, nahirapan akong mag-move on kasi magkatrabaho kami, magka-loveteam kami. Umabot sa point na mag-asawa kami sa Tabing Ilog, so nahirapan talaga.”
Kuwento pa ni Kaye, mas nahirapan siya nang pagselosan siya ng bagong girlfriend ni John Lloyd habang magkatrabaho pa sila sa Tabing Ilog.
Aniya “Tapos nagka-girlfriend siya after ko. Hindi na niya ako pinapansin kasi nagseselos 'yung girlfriend sa akin. So nahihirapan ako, Tito Boy.”
Pag-uusisa naman ni Boy, “Sinong girlfriend 'to?”
“Secret! Anak ng politiko!” natatawang sinabi ni Kaye.
“So, nagseselos sa'yo?” tanong uli ni Boy.
Paglilinaw naman ni Kaye, naiintindihan niya ang hugot ng nasabing “girlfriend” noon ni John Lloyd dahil sa estado ng trabaho nila ng aktor.
“Oo, and maiintindihan ko 'yung girl kasi loveteam, so hindi mo maiiwasan na may kissing, may ano, so naiintindihan ko 'yung side ng girl,” ani Kaye.
Dagdag pa niya, “But ako, Tito Boy, 'yung question mo, nahirapan ako mag-move on kasi magkasama kami sa trabaho.”
Pag-amin pa ni Kaye, may natitira pa rin siyang feelings noon sa ex-boyfriend na si John Lloyd habang magkatambal sila sa Tabing Ilog.
“During that time na magkasama kayo sa trabaho, meron pa rin [feelings]?” tanong ni Boy.
“Meron pa [rin] because we broke up not because wala nang love,” tugon ng aktres.
Sinigurado naman ni Kaye na friends sila ngayon ni John Lloyd. Sa katunayan, naging guest pa siya kamakailan sa programa ng aktor sa GMA na Happy ToGetHer.
Kasalukuyan namang napapanood sa Netflix ang reunion movie nina Kaye Abad, Paolo Contis, at Patrick Garcia na pinamagatang A Journey.
Kasal na si Kaye Abad sa businessman at dating aktor na si Paul Jake Castillo. Sila ay may dalawang anak na sina Pio Joaquin at Iñigo.
RELATED GALLERY: Why Paul Jake Castillo and Kaye Abad's family is the ultimate goal