Kaye Abad, Chito Miranda
Source: kaye_abad, chitomirandajr (IG)
TV

Kaye Abad, may nilinaw sa friendship nila ng ex-bf na si Chito Miranda

By Jimboy Napoles
Ano naman kaya ang masasabi ng asawa ni Kaye Abad sa closeness nila ni Chito Miranda?

Kapansin-pansin sa social media ang pagiging close pa rin ng dating magkasintahan na sina Kaye Abad at Chito Miranda.

Kaya naman isa ito sa inusisa ng King of Talk nang bumisita si Kaye sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, April 12.

Sa kanilang panayam, tinanong ni Boy Abunda si Kaye tungkol sa naging komento ng dating The Voice Generations coach na si Chito sa kanyang Instagram post noong February 18.

“You had a post, nag-comment si Chito na ang ganda ng inyong sala, at ang ganda-ganda mo,” sabi ni Boy kay Kaye.

Birong reaksyon naman ng celebrity mom, “Hanggang ngayon nagagandahan pa rin siya sa'kin.”

“Hindi nagseselos si Paul Jake?” tanong ni Tito Boy.

“Hindi,” mabalos na sagot ni Kaye.

Ayon kay Kaye, maayos ang naging breakup nila noon ni Chito kaya hanggang ngayon ay nananatili silang magkaibigan.

“We're still friends. We broke up na magkaibigan kami. He even invited me sa wedding niya, I invited him sa wedding ko,” anang aktres.

Dahil dito, muling nagtanong si Boy, “Paano ka puwedeng makipaghiwalay as friends?”

Sagot naman ni Kaye, “I think 'pag okay ang breakup ninyo.”

“Sa way ko siguro nakipag-break? Mahinahon. Ayan, so parang sinabi kong ako nga 'yung nakipag-break, 'di ba?” natatawang sinabi pa ng aktres.

Dagdag pa niya, “Sa amin kasi ni Chito, nagkaintindihan na it's better this way, na it's better na maging friends na lang kami and na-maintain namin na friends kami.”

Pagbabahagi pa ni Kaye, magkaibigan din si Chito at ang kanyang asawa na si Paul Jake Castillo.

“Magkikita kami sa gig niya. Kinuha pa siya ni Paul Jake sa Cebu for a gig, and we watched his gig,” ani Kaye.

May dalawang anak ngayon sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo na sina Pio Joaquin at Iñigo.

Kasal na rin si Chito Miranda sa celebrity entrepreneur na si Neri Naig. Sila ay may tatlong anak na sina Pia, Miggy, at Manuel.

Samantala, kasalukuyan namang napapanood sa Netflix ang reunion movie nina Kaye Abad, Paolo Contis, at Patrick Garcia na pinamagatang A Journey.

RELATED GALLERY: Why Paul Jake Castillo and Kaye Abad's family is the ultimate goal

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.