Ejay Falcon hopes to work with Marian Rivera and Dingdong Dantes
Source: ejaythefalcon, marianrivera (Instagram)
TV

Ejay Falcon, bukas sa bagong proyekto sa GMA; gustong makatrabaho ang DongYan

By Jimboy Napoles
Game si Ejay Falcon sa iba pang mga posibleng proyekto sa GMA Network.

Starring ngayon sa kanyang unang proyekto sa GMA ang hunk actor at politician na si Ejay Falcon sa action-comedy series na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, kung saan bida sina Senator Bong Revilla Jr. at aktres na si Beauty Gonzalez.

Ngayong Lunes, February 5, first time na bumisita ni Ejay sa GMA Network nang mag-guest siya sa programang Fast Talk with Boy Abunda.

Dito ay kinumusta ng batikang TV host na si Boy Abunda si Ejay tungkol sa unang pagsalang niya sa isang Kapuso serye at unang pagtapak niya sa GMA.

Kuwento ni Ejay, “A, Tito Boy, medyo… syempre, hindi naman, hindi naman maiiwasan 'yung kaba. 'Di ba po? Parang… bagong environment 'yung mga taong nakikita ko, except sa'yo na talagang ang tagal natin nagkasama.

“'Di ba? So, ngayon mga bagong tao. Medyo kinakabahan din ako and, kasabay kasi nun, ang tagal ko rin napahinga sa taping, like sa mga interviews.”

Dagdag pa niya, “Tapos sumabay 'yung bagong network 'yung pinuntahan ko, bago, ito ngang GMA, so kinakabahan pero sinasalubong naman ako nang maayos na pag-welcome ng mga tao, and 'yun naman ang nagpapalakas ng loob ko, nawawala rin 'yung kaba ko.”

Matapos ito, tinanong ni Boy si Ejay kung bukas ba siya sa posibilidad na gumawa pa ng ibang proyekto sa GMA.

“Open ka ba gumawa pa ng mga ibang proyekto dito sa GMA-7?” tanong ni Boy kay Ejay.

Sagot naman ng aktor, “A, yes. Opo, opo.”

Sa katunayan, masaya nga raw si Ejay sa mga nakatrabaho niya na rito sa GMA.

Aniya, “A, actually, nung nakatrabaho ko sila dito, sobra akong-- siyempre, thankful and blessed. Nung nakatrabaho ko sila, ang gaan-gaan na nilang katrabaho, very professional, and na-e-excite po ako na mas makilala sila.

“Actually 'pag pumupunta akong taping, sobrang excited ako kasi, like, mga bagong tao pero nakakausap ko.'Yung EP, 'yung PM, hanggang mga boss, and 'yung mga co-actors ko, so 'yun.”

Nagpapasalamat din si Ejay sa GMA dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya upang maging bahagi ng season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

“Siyempre, una, hindi ka naman tatanggi talaga sa blessing na binibigay ng Diyos and ah, secondly, 'yung pinagkatiwalaan ka ng GMA sa ganitong proyekto ay napakalaking biyaya rin para sa 'kin,” ani Ejay.

Sa “Fast Talk” segment ng programa, inamin din ni Ejay na gusto niyang makatrabaho ang Kapuso Primetime at Box-office King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

“Sa GMA, aktres na gusto mong makatambal?” tanong ni Boy.

“Ms. Marian Rivera,” sagot ni Ejay.

“Sa GMA, aktor na gusto mong makatrabaho?” sunod na tanong ng TV host.

“Ah, Sir Dingdong Dantes,” tugon ng aktor.

Unang nakilala si Ejay nang manalo siya bilang grand winner sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008.

Bukod sa pagiging artista, kasalukuyan ding naglilingkod bilang Vice Governor ng Oriental Mindoro si Ejay.

Samantala, subaybayan naman si Ejay sa second season ng action-comedy series na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.