Cedrick Juan
TV

Cedrick Juan, walang limitasyon kahit sa pelikulang may nudity

By Jimboy Napoles
“I think there's nothing wrong with doing nudity.” - Cedrick Juan

Ipinaliwanag ni 2023 Metro Manila Film Festival Best Actor na si Cedric Juan kung bakit wala siyang limitasyon pagdating sa pagiging aktor kahit sa mga pelikulang may nudity.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, January 10, masayang nakipagkuwentuhan si Cedrick sa batikang TV host.

Dito ay tinanong ni Boy Abunda ang aktor kung bakit wala siyang limitasyon kahit pa sa mga pelikulang may tema ng nudity.

Paliwanag ni Cedrick, “Kasi Tito Boy, artist po kasi ako e. So, you tell stories, you present.”

Ayon pa sa award-winning actor, parte ito ng trabaho niya na pagkukuwento bilang artista.

Aniya, “Lalo na kung makakatulong siya sa mga may negative connotation na communities and gusto mong mabawasan 'yung mga taboo na mga topic. So, 'yun 'yung part namin as an actor, parang to somehow tell that story.”

Dagdag pa niya, “I think there's nothing wrong with that with doing nudity. Pero may mga representation na tayo ngayon when it comes to doing LGBT roles.”

Pero ayon kay Cedrick, sinisigurado niya rin na walang exploitation na magaganap sa isang pelikula.

“(Wala akong boundaries) for as long as justified 'yung mga gagawin and hindi siya exploitation. Mararamdaman mo siya e. The way you talk with your directors, writer, mararamdaman mo kung somehow exploitation na 'yung nangyayari,” anang aktor.

Samantala, sa ngayon, wala pa sa isip ni Cedrick ang pagsikat pero masaya umano siya na makilala dahil sa kanyang galing at talento.

“Gusto kong makilala dahil sa craft ko. If ever na dadalhin ako ng craft ko doon (sa kasikatan), siyempre sobrang happy ako na na-a-appreciate ng tao ang craft ko,” ani Cedrick.

Dagdag pa ng aktor, “I think kung papa'no natin pinapapasok ang mga tao, ang madla sa buhay natin, 'yun 'yung ina-allow natin para somehow ma-exploit nila e. Pero ako, I really want to keep my privacy rin and [at] the same time gusto kong makita nila na ang mga artist, tao rin sila.”

December 2023 nang kinilala sa Gabi Ng Parangal ng nasabing local film festival ang mahusay na pagganap ni Cedrick bilang si Padre Jose Burgos sa historical film na GomBurZa.

Mapapanood naman ang 2023 Metro Manila Film Festival entries hanggang January 14, 2024.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.