Sanya Lopez Joshua Garcia Ken Chan
TV

Sanya Lopez, pinili si Joshua Garcia over Ken Chan?

By Jimboy Napoles
Sa isang segment sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' may ikinuwento si Sanya Lopez tungkol kay Joshua Garcia.

Inamin ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na nais niya pang makilala ang aktor na si Joshua Garcia.

Sa muling pagbisita ni Sanya sa Fast Talk with Boy Abunda, siya ang buena manong bisita ni Boy Abunda na sumalang sa bagong segment ng programa na “Pick and Talk.”

Sa nasabing segment, kinakailangang pumili ni Sanya sa dalawang larawan ng artistang ipapakita ni Boy at sasabihin niya kung bakit ito ang kanyang napili.

Sa first batch, lumabas ang larawan ni Joshua at ni Alden Richards. Dito ay pinili ni Sanya si Joshua.

Paliwanag ng aktres, “Kasi si Joshua parang nung una ko siyang nakita sa Unbreak My Heart nila sa isang mall, very genuine and parang kinausap niya 'ko, parang kasama niya 'yung mga relatives niya na [sabi niya] 'Pwede pong magpa-picture?'

“'Yung siya 'yung lumapit sa akin para sabihin niya sa akin na, 'Pwede bang magpa-picture 'yung family ko?"

“Sabi ko, 'Oo naman, 'no?!' Parang ako pa 'yung nahiya sa kanya.”

“So 'yun pa lang, parang feeling ko, magiging okey kami pag magkasama. Parang wala kaming dull moments agad,” dagdag pa ng aktres.

“Iba siyang humalik,” sabi naman ni Boy kay Sanya.

“Ha? Po? [laughs] Kalma! Na-tense ako, Tito Boy,” natatawang sagot ni Sanya kay Boy.

“Pero ang ganda naman, siya ang lumapit para magpalitrato ang kanyang pamilya,” ani Boy.

“Opo, parang kinongratulate ko siya na, 'Ay, congratulations dun sa Unbreak My Heart niyo. Ang ganda.' Ta's sabi niya, 'Thank you. Thank you, ah,'” kuwento pa ng aktres.

RELATED GALLERY: Sanya Lopez's photos that prove she's ultimate hot babe

Matapos ito, ipinakita naman ni Boy ang larawan ng dalawa pang aktor na sina Ken Chan at David Licauco. Dito ay pinili naman ni Sanya si Ken.

Sa huling bahagi ng “Pick and Talk,” pinapili naman ni Boy si Sanya kina Joshua at Ken.

“Sige, si Joshua po. Sorry, Ken!” ani Sanya.

Paliwanag muli ni Sanya, “Si Ken, well, kung si Ken po kasi… marami na 'kong alam kay Ken. Unlike kay Joshua, gusto ko siyang makilala. Pa'no ba siya sa tunay na buhay. 'Yung bilang tao, hindi bilang artista.”

Dagdag pa niya, “So, parang nakilala kasi natin si Joshua parang very mysterious guy.”

Sumang-ayon naman si Boy sa sinabi ni Sanya at sinabing, “That moment, 'yung sinabi mo kanina. Napaka-interesting. That was special and that told you of who he was, who he is. That's quite interesting for two people who are not very close.”

“Yes po. Ano kasi, Tito Boy, masyadong ano ako, nagiging fan ako ng isang taong very humble,” sabi pa ni Sanya.

Looking forward naman umano si Boy na maging magkatrabaho sina Sanya at Joshua.

Aniya, “I look forward to you working with him. 'Di ba? Malay natin.”

“I'm looking forward din, Tito Boy. Sana. Napakahusay nilang artista po,” tugon naman ni Sanya.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.