GMA Logo Jeric Raval, Aljur Abrenica, AJ Raval
What's on TV

Jeric Raval, may pakiusap kay Aljur Abrenica: 'Pakasalan mo ang anak ko'

By Jimboy Napoles
Published August 23, 2023 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Raval, Aljur Abrenica, AJ Raval


May tatlong pakiusap si Jeric Raval kay Aljur Abrenica para sa anak na si AJ Raval, at isa rito ay ang pagpapakasal.

Inamin ng batikang aktor at '90s action star na si Jeric Raval sa Fast Talk with Boy Abunda na nakausap niya na si Aljur Abrenica, ang kasalukuyang boyfriend ng kanyang anak na si AJ Raval.

Sa pagbisita ni Jeric sa nasabing programa, tinanong siya ng batikang TV host na si Boy Abunda tungkol sa relasyon nina Aljur at AJ.

Agad naman na nagkuwento si Jeric. Aniya, “Noong una, siyempre kinakausap ko si Aljur dahil 'yung anak ko e, bata lang. Sabi ko lang kay Aljur, 'Ikaw ba ay hiwalay?'

Sagot naman umano ni Aljur sa kanya, "Opo."

Ayon kay Jeric, may tatlong bagay siyang ipinakiusap sa boyfriend ng anak.

Aniya, “Alam mo tatlong bagay lang ang ipapakiusap ko sa'yo. Una, 'yung anak ko e, bata pa 'yan. Pangalawa, 'yung biyenan mo e, kaibigan ko. E, ano kayang sasabihin ko sa biyenan mo kapag nagkita kami baka sabihin kinukunsinti ko kayo.”

Matatandaan na si Aljur ay may dating asawa, ang aktres na si Kylie Padilla na anak naman ni Senador Robin Padilla.

Pagpapatuloy pa ni Jeric, “Sabi ko e, iayos mo muna ang sarili mo iho. Wala naman akong problema sa inyo dahil buhay niyo 'yan e. Pagdating doon sa buhay-pag-ibig ng anak ko hindi ko na saklaw 'yun e.”

Naging mariin naman umano si Jeric sa ikatlong pakiusap niya kay Aljur.

“Pangatlo, ang sabi ko sa kanya, 'Ang anak ko gusto ko pakasalan mo. Basta kapag ayos ka na, wala ka nang problema, pakasalan mo ang anak ko,'” sabi raw ni Jeric kay Aljur.

Noong July 2021, kinumpirma ni Robin ang naging hiwalayan ng anak na si Kylie at ni Aljur. Sina Aljur at Kylie ay ikinasal noong 2018 at mayroong anak na sina Alas at Axl.

February 14, 2023 naman kasabay ng araw ng mga puso, isinapubliko na nina Aljur at AJ ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng Instagram post ng young actress ng isang sweet photo nila ng una.

Samantala, muli namang mapapanood si Jeric sa upcoming Kapuso series na Maging Sino Ka Man na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at David Licauco.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.