Pekto, John Feir, Joey De Leon
TV

Mike 'Pekto' Nacua at John Feir, sinabing si Joey De Leon ang naka-discover sa kanila bilang komedyante

By Jimboy Napoles
Gaya ng maraming sikat na artista, nagsimula rin bilang production staff ang Kapuso comedians na sina Mike "Pekto" Nacua at John Feir.

Masayang binalikan ng Kapuso comedy duo na sina Mike "Pekto" Nacua at John Feir kung paano sila na-discover ng tinaguriang Henyo Master at batikang TV host na si Joey De Leon bilang mga komedyante.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, ikinuwento nina Pekto at John sa TV host na si Boy Abunda na nagsimula muna silang magtrabaho bilang production staff noon hanggang sa makita ang kanilang natural na talent sa pagpapatawa.

Kuwento ni Pekto, “From another channel to GMA… tinawagan ako ni Tito Joey De Leon and Janno Gibbs kasi si Janno ay bumalik dito at gagawa ng bagong sitcom which is 'yung Beh Bote Nga 'yun ang kauna-unahan kong show dito sa GMA doon po nag-umpisa.

“Nakasama ko na po si Tito Joey, nagko-cohost po ako doon sa Wow Mali.”

Ayon kay Pekto, pinagaya raw sa kanya noon ng singer-actor na si Janno Gibbs ang boses at acting ng American comedian na si Chris Tucker.

Aniya, “Si Janno naman, natuwa siya sa akin kasi matalas daw 'yung boses ko. Tinawag niya ako, 'Kaya mo bang gayahin si Chris Tucker?' at doon na nag-umpisa ang lahat.”

Aksidente naman para kay John ang pagkakadiskubre sa kanya ni Joey nang maging reliever siya sa isang gay character ng isang programa na ginagawa nila noon.

“Ako by accident naman. Kasi noon alas tres ng umaga may kinukunan pa. Kulang ng isang bading, kulang ng isang character na bading, 30 gays. Ako 'yung nag-e-AD [Assistant Director] noon. Sabi ni Tito Joey, 'John Feir, isuot mo na 'yung wig diyan para matapos na tayo.' E, sinuot ko 'yung wig galing sa basurahan, so no choice may amoy 'yung wig, sinuot ko, from that point, the rest is history,” masayang ikinuwento ni John.

Sa huling bahagi ng episode ng Fast Talk with Boy Abunda, gumawa pa ng skit sina Pekto at John bilang sina Cookie and Belli na ikinatuwa rin ni Boy.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.