mariel padilla
TV

Mariel Padilla, sinabing si Robin Padilla ang mas 'fun' sa kanilang mag-asawa

By Jimboy Napoles
Updated On: August 1, 2023, 10:48 AM
Isa sa nadiskubre ni Mariel Padilla sa kaniyang mister na si Robin Padilla ay ang pagiging mas “funny one” umano nito.

“What I discovered about Robin, siya pala 'yung fun one.”

Ito ang ibinahagi ng celebrity mom na si Mariel Rodriguez-Padilla tungkol sa kaniyang bagong nadiskubre sa kaniyang asawa at dating action star na si Senador Robin Padilla.

Matapos ang mahigit dalawang dekada, muling tumapak sa GMA Network si Mariel sa kaniyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda, ang programa ng kaniyang manager na si Boy Abunda.

BALIKAN ANG NAGING LOVE STORY NINA MARIEL AT ROBIN DITO:

Sa panayam ni Boy kay Mariel, tinanong niya ang dating TV host tungkol sa buhay may-pamilya kasama ang mister na si Robin.

“Ano 'yung nadiskubre mo tungkol sa sarili mo na 'Kaya ko pala ito' na noong hindi ka pa nagpapakasal ay hindi mo alam?” tanong ni Boy kay Mariel.

Ayon kay Mariel, masuwerte siya kay Robin bilang asawa nito taliwas sa naging imahe ng kaniyang mister noon.

Aniya, “To tell you the truth, Robin doesn't make it difficult for me. I want to say nice things like, 'Oh you do this na kaya mo pala, ganito pala 'yon.'

“But you know, honestly speaking, Robin doesn't make it difficult for me. I know that for many it's difficult to believe because of how he was before. But I was so blessed because when I married him, ready na siya to really commit himself in the marriage.”

Kuwento pa ni Mariel, nadiskubre niyang mas masayahin pala ang asawa kaysa sa kaniya.

“What I discovered about Robin, siya pala 'yung fun one. Akala ko kasi ako 'yung fun, e. You'd think ako 'yung fun but no, Robin is the one who's spontaneous, Robin is the one who will do whatever,” anang TV host.

Samantala, bukod sa pagiging may-bahay ni Senador Padilla, at hands-on mom sa kanilang mga anak, abala rin ngayon si Mariel bilang isang celebrity entrepreneur at online live seller.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.