Kakai Bautista, tumangging magsalita tungkol kay Mario Maurer
Tumangging magsalita ang comedienne-actress na si Kakai Bautista tungkol sa naging isyu nila noon ng Thai superstar na si Mario Maurer.
Sa June 21 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, masayang sumalang sa isang panayam si Kakai at ang kaibigan at kapwa aktres na si Cai Cortez kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda.
Sa kanilang pag-uusap, tinanong ni Boy ang dalawa tungkol sa kung ano ang mga natutunan nila noon sa mga nagdaang lalaki sa kanilang buhay.
“Pinaka-importanteng leksyon na natutunan niyo sa mga lalaki? Can you talk about Mario Maurer?” tanong ni Boy kay Kakai.
“Ay sino 'yun?” sagot ni Kakai habang pabirong umalis sa stage.
Dahil dito, mabilis na nagtawanan ang mga crew sa studio maging si Boy at Kakai.
“Ako'y humihing ng pahintulot, hindi ka puwedeng magkuwento?” muling tanong ni Boy.
Sagot naman ni Kakai, “Let's not talk about the past Tito Boy.”
Sinang-ayunan naman ito ni Boy, “Oo naman totoo naman 'yan but we learned from the past.”
Paglilinaw naman ni Kakai, hindi siya pinayagan ng kaniyang abogado na magsalita pa tungkol sa nasabing Thai actor.
“My lawyer doesn't allow me,” ani Kakai.
Samantala, kuwento naman ni Kakai, pinipili niya ngayon ang i-enjoy ang buhay single dahil pakiramdam niya ay tila nahuhuli na siya para maging masaya para sa sarili.
Aniya, “Tito Boy late na akong nag-start mag-enjoy sa buhay so gusto ko munang namnamin 'yun para ready na ako when I fall in love again.”
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG SEXY BEACH PHOTOS NI KAKAI BAUTISTA SA GALLERY NA ITO: