Rita Daniela, inaming hiwalay na sa ama ng kaniyang anak na si Uno
First-time sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ng Kapuso actress at first-time mom na si Rita Daniela na totoong hiwalay na sila ng non-showbiz partner at ama ng kaniyang anak na si Uno.
Sa panayam ni Rita sa batikang TV host na si Boy Abunda, diretsahan niyang sinabi ang kinahinatnan ng relasyon nila ng ex-boyfriend.
“Yes po, Tito Boy, naghiwalay na po kami ng tatay ni Uno,” pag-amin ni Rita kay Boy.
Ayon sa aktres, sinubukan pa nilang isalba ng kaniyang ex-partner ang kanilang mahigit apat na taong relasyon pero sadyang hindi na nila ito naayos pa. Sa kabila nito, nananatili naman umano silang magkaibigan para sa kanilang anak.
Aniya, “We really tried our best just like everybody else but it didn't work out.
“Pero ang maganda diyan, Tito Boy, we're good friends e, very very good friends. We're doing our best to co-parent Uno and I'm actually proud of ourselves kasi hanggat maaga inaayos na namin siya para hanggang lumaki na si Uno, peaceful po kami and we can still be a family na wala na pong issue sa both sides.”
Nagpasalamat naman si Boy kay Rita dahil sa ginawa nitong pag-amin sa programa upang malinaw na ang mga ispekulasyon ng publiko tungkol sa relasyon ng aktres.
“Maraming salamat for trusting us and for trusting the show kasi wala nang manghuhula. Isang araw when Rita falls in love again," ani Boy.
Matapos ito, muling sumundot ng tanong ang TV host kay Rita, “You have that sense na, 'I am ready to fall in love again?"
Sagot naman ni Rita, pangarap niya pa rin ang magmahal muli at ikasal, pero sa ngayon, prayoridad niya muna ang sarili at ang kaniyang anak.
“Definitely yes. It's still one of my dreams na maglakad na [nakasuot ng] wedding gown, of course, part pa rin 'yun ng aking pangarap, but now, not yet, kasi right now my focus is to be a better person and to be the best mom to Uno,” ani Rita.
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
BALIKAN ANG PREGNANCY JOURNEY NI RITA DANIELA SA GALLERY NA ITO: