Carmi Martin at Niño Muhlach reveal the most important lesson they learned as actors
Masayang nakakuwentuhan ni Boy Abunda ang seasoned stars at Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis actors na sina Carmi Martin at Niño Muhlach sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda.
Sa naturang episode, ibinahagi ng dalawang batikang aktor ang pinakamahalagang aral na natutunan nila bilang mga artista sa loob ng mahabang panahon.
Ayon kay Carmi, natutunan niyang huwag sumuko sa tuwing nakararanas ng mga kabiguan sa karera.
“Kahit nadadapa ka-kasi marami ring rejections sa akin-never stop. Like for example right now, sasabihin nila, 'Parang hindi ka tumatanda.' It's an investment to look good at saka 'yung pangalagaan mo, health-wise rin naman kasi talaga na kailangan pinangangalagaan mo 'yung sarili mo," saad niya.
Kuwento pa ni Carmi, siya ay kasalukuyang nag-a-acting workshop dahil nais niyang mas gumaling pa sa kanyang trabaho bilang aktres.
Patuloy niya, “But you know what, right now ang daming natutuwa because I'm taking up acting workshop, Chubbuck Acting Workshop. For me, it's an investment kasi gusto ko 'yung talagang mas gumaling pa ako sa drama. Alam kong marami pa akong matututunan sa craft ko.”
Para naman kay Niño na isang dating child star, natutunan niyang tanggapin na hindi palaging nasa itaas ang estado ng karera.
Aniya, “Kasi ako I reached the top too early. So when you reach the top, there's nowhere to go but down. So kailangan, tanggapin mo 'yon. Kailangan matanggap mo na hindi puwedeng lagi kang nasa ibabaw. It's best to be in the middle.”
Bago naman natapos ang programa, nagbigay rin sina Carmi at Niño ng mensahe para sa kanilang younger selves.
Tanong ni Boy kay Carmi, “If you can talk to the Carmi, who was just starting in the movies today, ano ang sasabihin mo sa kanya?”
Ani ng aktres, “Mag-acting workshop ka na kaagad.”
Matapos ito, tinanong naman ni Boy si Niño, “If you were to talk to the two and a half year old superstar, ano'ng sasabihin mo?”
Inalala naman ng tinaguriang "Child Wonder" ang sinabi sa kanya noon ng kanyang ama. Aniya, “'Yung sinabi sa akin ng Daddy ko during those years. Lagi niyang sinasabi, 'Niño, darating ang araw mawawala lahat 'yan. Kailangan kapag dumating 'yung araw na 'yon, kailangan tanggapin mo.'”
Abangan sina Carmi at Niño sa upcoming action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis simula June 4 sa GMA.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS PICTORIAL SA GALLERY NA ITO.