GMA Logo Sam Pinto
What's on TV

Sam Pinto, inaming napagod noon sa pag-aartista kaya tumigil sa showbiz

By Jimboy Napoles
Published May 23, 2023 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Sam Pinto


Sam Pinto sa pagiging artista noon: “I think that time ayoko na.”

Inamin ng sexy actress at nagbabalik showbiz ngayon na si Sam Pinto sa Fast Talk with Boy Abunda na napagod siya noon sa trabaho niya bilang artista kung kaya't pinili niyang tumigil muna sa show business.

Sa nasabing programa, game na ibinahagi ni Sam sa TV host na si Boy Abunda ang kuwento sa kaniyang pag-alis sa limelight.

Aniya, “Honestly, I think I was tired and parang burned out na so parang I needed a break.”

“Then sakto sumabay din 'yung building ng resort in Baler and it was around pandemic noong nagpatayo kami,” dagdag pa niya.

Ayon kay Sam, tila masyado niyang na-enjoy ang kaniyang pagpapahinga kung kaya't matagal-tagal din bago siya nakabalik.”

Kuwento niya, “I think I enjoyed the break too much kasi I was just chilling, Tito Boy, I had all the time that I needed. I can do anything, I can go anywhere, parang it is freedom basically.”

Muli namang nagtanong si Boy sa naging dahilan ng pag-alis ni Sam noon. Aniya, “Sam, was it a decision na parang ayoko na or I'm just gonna take a break?”

“Siguro that time ayoko na. I think mostly [because of] work, kasi I was working every day that time,” sagot ni Sam.

Pero dumating din umano sa punto na talagang na-miss niya ang pagiging busy.

“Actually, what I really miss about showbiz, I kinda miss being busy. I know it's weird but when you're so used to it and then biglang nag-stop parang, “I don't know what to do with myself,” ani Sam.

Ayon pa sa aktres, isa sa mga na-miss niya sa showbiz ay ang pag-arte. Sa katunayan, iniisip niya pa lamang na bumalik na sa showbiz nang biglang ialok sa kaniya ang kaniyang karakter ngayon sa Abot-Kamay Na Pangarap.

“I manifested it I guess,” masayang sinabi ni Sam.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG JAW-DROPPING BIKINI PHOTOS NI SAM PINTO SA GALLERY NA ITO: