Manilyn Reynes, Liza Soberano
TV

Manilyn Reynes, hindi sang-ayon sa sinabi ni Liza Soberano na kailangang magkaroon ng loveteam upang sumikat

By Jimboy Napoles
Hindi sang-ayon si Manilyn Reynes sa naging pahayag ni Liza Soberano na kinakailangang magkaroon ng loveteam upang sumikat sa Pilipinas.

Hindi sang-ayon ang batikang aktres na si Manilyn Reynes sa sinabi ng aktres na si Liza Soberano na kinakailangan umano maging parte ng isang loveteam upang maging sikat na artista sa Pilipinas.

Kasabay ng kaniyang selebrasyon para sa kaniyang ika-apatnapung taon sa industriya ng show business, bumisita sa Fast Talk with Boy Abunda si Manilyn upang sumalang sa isang interview kasama ang TV host na si Boy Abunda.

Si Boy ang isa sa naging manager ni Manilyn noon kung kaya't magaan ang naging pag-uusap ng dalawa.

Bilang isa sa itinuturing na matagumpay na aktres sa bansa, hiningi ni Boy ang opinyon ni Manilyn sa naging pahayag noon ni Liza tungkol sa pagkakaroon ng love team.

“If you want to make it in this country as a movie star kailangan bahagi ka ng love team. Agree or disagree? Your thoughts?” tanong ni Boy.

Sagot naman ni Manilyn, “Disagree. Certainly, kaya mong gawin 'yan on your own. 'Yun nga Tito Boy, ang sinasabi ko you always go back to ano 'yung talent na ibinigay sa'yo.”

Ayon kay Manilyn, hindi naman kinakailangan na magkaroon ng love team upang sumikat dahil kayang makilala ng isang artista gamit ang sarili niyang talento.

Paliwanag niya,”Hindi ko sinasabi na hindi mo kailangan ng ka-loveteam, somewhere, sometimes, somehow, kailangan mayroon ka ring ka-love team lalo kapag growing up 'di ba? Pero of course you can do it on your own, 'yun ay ipakita mo what you've got.”

Nagsimulang maging artista si Manilyn sa edad na sampu at nagtuloy-tuloy pa ang kaniyang karera hanggang sa makilala bilang isang mahusay na singer at minsan pa siyang binansagan bilang “Star of the New Decade,” at “Horror Queen” noong '90s.

Sa ngayon ay napapanood si Manilyn sa weekend comedy program na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MANILYN REYNES AT KANIYANG ASAAWA NA SI ALJON JIMENEZ SA GALLERY NA ITO:

AOS Queendom Poll
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.