Tito Boy, Tito Bhoy
TV

Tito Boy at Tito Bhoy, nag-reunion sa 'Fast Talk with Boy Abunda'

By Jimboy Napoles
Ano kaya ang nangyari sa muling pagkikita ng original Tito Boy Abunda at ang kaniyang impersonator na si Tito Bhoy Abunda?

Muling nagkita ang TV host na si Boy Abunda at ang kaniyang impersonator na si Tito Bhoy o ang actor-comedian na si Jayson Gainza sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, April 13.

Sa nasabing episode, sumalang si Jayson sa “Fast Talk” segment kasama si Boy kung saan nakasuot din siya ng avant-garde outfit na gaya sa TV host.

Bukod dito, itinuro rin ni Jayson bilang si Tito Bhoy ang kaniyang “Fast Walk” kay Tito Boy.

Hindi naman nakaligtas si Jayson sa pabirong paninigil ni Tito Boy sa kaniya dahil sa kaniyang mga ginawang impersonation bilang Tito Bhoy sa ilang mga concert sa bansa at abroad.

“Alam mo ang dami mong utang sa akin ito ay diretsahan na, nandito naman tayo sa GMA-7 ngayon lang tayo nagkita at ang dami mong utang sa akin na komisyon,” ani Boy kay Jayson.

Dagdag pa niya, “Ilang beses ka nang nakapag-abroad dahil ikaw si Tito Bhoy ni hindi ka nagpapaalam sa akin…wala akong komisyon.”

“Binibigay ko po sa inyo pero wala naman kayo sa inyong bahay,” natatawang sinabi ni Jayson.

Napuno rin ng tawanan sa studio nang magsayaw at magkulitan ang dalawa.

Samantala, ibinahagi naman ni Jayson kay Boy na nagpapasalamat siya sa lahat ng blessing na natatanggap niya ngayon sa kaniyang career at pamilya.

Mapapanood si Jayson sa weekday game show na TiktoClock kasama sina Kim Atienza, Pokwang, Rabiya Mateo, at Faith Da Silva.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI JAYSON GAINZA SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.