family feud
TV

Rico Robles, Phoebe Walker, Janine Teñoso, naiuwi ang PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Congratulations, Team Go-getter!

Panalo ng PhP200,000 jackpot prize ang team Go-getter kasama ang multi-awarded host and radio jock na si Rico Robles at ang kanyang girlfriend at aktres na si Phoebe Walker, singer na si Janine Teñoso, at sexy actress na si Kate Alejandrino sa kanilang paglalaro sa Family Feud nitong Lunes, March 13.

Sa nasabing episode nakalaban nina Rico ang team ng actress-dancer na si Ella Cruz na minsan na ring nakasama noon ng game master na si Dingdong Dantes sa seryeng MariMar kung saan gumanap ito bilang batang Marian Rivera.

Kabilang sa team ni Ella ang kanyang mga kapatid na sina Trisha, Ethan Cruz, at kaniyang make-up artist na si Bekbek Vasquez.

First round pa lamang ay nanguna na ang team Go-getter nang makuha nila ang karamihan sa survey answers sa survey board. Dito ay nakakuha sila ng score na 78 points.

Sa second round, muling nakapuntos ng mataas na score na 123 points ang team ni Rico nang bigong mahulaan ng Team Cruz ang tanong na, “Complete the sentence, back to…”

Sa third round muling na-steal ng Team Go-getter ang game sa score na 258 points habang nananatiling zero ang score ng Team Cruz.

Sa fourth round naman kung saan triple na ang score na puwedeng makuha, muling nanalo ang team Go-getter sa score na 560 points.

Sa fast money round, sina Rico at Pheobe ang naglaro kung saan naging record-breaker ang aktres dahil first time sa Family Feud na may player na nakaabot ng 181 points. Dahil dito nasa 19 points na lang ang kinailangan ni Rico upang mabuo ang 200 points at makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Samantala makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Virlanie Foundation Inc. bilang kanilang napiling charity habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang Team Cruz.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.