Jessica Soho at Paeng Nepomuceno maghaharap sa 'Family Feud' ngayong Lunes
Powerful ang simula ng taong 2023 para sa paboritong game show ng mga Pilipino - ang Family Feud.
Sa pagbabalik ng fresh episodes ng naturang programa ngayong Lunes, January 9, dalawang bigating pangalan ang maghaharap upang magtagisan ng galing sa hulaan ng top survey answers.
Ang unang team ay pinangungunahan ng multi-awarded journalist na si Jessica Soho kasama ang kanyang team mula sa kanyang award-winning news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMSJ) na sina Tolits Tan, Kat Habon-Agno at Benj Ramos.
Makakalaban naman ng Team KMJS ang koponan ng Filipino World Bowling Champion na si Paeng Nepomuceno kasama ang kanyang pamilya na sina Saira Nepomuceno-Mendoza, Ralph Mendoza at Rafu Nepomuceno.
Sino kaya sa pagitan ng multi-awarded athlete at multi-awarded journalist ang makakarami ng top answer sa survey questions? Iyan ang dapat abangan.
Samantala, nagsimula na rin ng auditions para sa team bahay o home audience na gustong maging studio contestant sa Family Feud. Kung paano makasali, tingnan ang mechanics sa Family Feud showpage sa GMANetwork.com o sa official Facebook page ng programa.
Tumutok lamang sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA. Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
BALIKAN ANG TRENDING AT MOST-WATCHED EPISODES NG 'FAMILY FEUD' SA GALLERY NA ITO.