Family Feud
TV

'Family Feud' trending episodes, muling mapapanood simula December 19

By Jimboy Napoles
Magkakaroon ng ultimate throwback ang trending episodes ng 'Family Feud' simula December 19.

Balikan ang mga panalo at nakatutuwang past episode ng Family Feud sa special three-week offering ng programa ngayong holiday season simula December 19, 2022 hanggang January 6, 2023.

Sa nasabing tatlong linggo, mapapanood muli ang trending episodes ng pinag-uusapang weekday game show ng GMA gaya ng jackpot winners, laughtrip na episode kasama ang viral celebrity guest players, at ang paglalaro ng mga sikat na pamilya sa industriya.

Pero throwback episodes man ang inyong mapapanood, maaari pa ring sumali sa 'Guess To Win' promo ng programa kung saan fresh at bagong-bago pa rin ang mga survey question.

Bilang regalo rin ng Family Feud ngayong Kapaskuhan, ang lahat ng 'Guess To Win' promo winners ay makatatanggap ng limited edition Family Feud T-shirt, bukod sa kanilang cash prize, at GMA Now dongle.

Isa pang good news ay simula na rin ng auditions para sa team bahay o home audience na gustong maging studio contestant sa Family Feud. Kung paano makasali, tingnan ang mechanics sa Family Feud showpage sa GMANetwork.com o sa official Facebook page ng programa.

Tumutok lamang sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA. Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.