Family Feud DZBB anchors
TV

DZBB anchors, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Congratulations, Team Dobol B!

Winner ng PhP200,000 jackpot prize ang DZBB news anchors na sina Lala Roque-Galongca, Toni Aquino, Mega, at Tootie sa kanilang paglalaro sa Family Feud ngayong Lunes, September 26.

Sa nasabing episode, nakalaban ng Team Dobol B ang mga kampeon sa beatbox na team Beatbox Boys na sina Roxor Beat, Jezz Box, Break Box, at Phil.

Leading ang Team Dobol B sa unang round sa score na 83 points matapos nilang ma-perfect ang survey answers pero nakabawi naman ang team Beatbox Boys sa round 2 ng game show sa score na 87 points.

Dikit ang naging laban ng team Dobol B at Beatbox Boys sa third round pero nakahabol ang DZBB news anchors sa score na 231 points.

Pagdating sa fourth round, nakuha na sana ng Beatbox Boys ang game pero bigo silang mahulaan ang ilang survey answer kaya't na-steal pa ito ng team Dobol B kung saan nakakuha sila ng score na 513 points.

Sa last round, sina Lala at Tootie ang sumalang sa fast money round at matagumpay nilang nabuo ang 203 points na pasok upang maiuwi ang PhP200,000 jackpot prize.

Nito lamang Biyernes, September 23, naiuwi ng team nina Bea Alonzo na Sandbox Beauties mula sa Start-Up Ph ang jackpot prize.

Tumutok naman sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA.

SILIPIN NAMAN ANG NAGING PAGDALO NG DZBB NEWS ANCHORS SA NAGDAANG GMA THANKSGIVING GALA SA GALLERY NA ITO:


NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.