Family Feud
TV

Guesting nina Isko Moreno at Ronnie Ricketts sa 'Family Feud,' tinutukan

By Jimboy Napoles
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay sa Family Feud, mga Kapuso!

Tinutukan ng maraming Kapuso viewers ang episode ng Family Feud nitong Martes, September 20, kung saan naglaro ang pamilya ng dalawang kilalang personalidad sa industriya na sina Ronnie Ricketts at Isko Moreno Domagoso.

Sa nasabing episode, kasama ni Ronnie ang kanyang asawa at dating Apoy sa Langit actress na si Mariz Ricketts, kanilang anak na si Raechelle Ricketts, at kanilang kaibigan na si Peepoe Alatiit. Kasama naman ni Isko ang kanyang asawa na si Dynee Domagoso at kanilang mga anak na sina Frances at Joaquin Domagoso.

Sa matinding tapatan ng dalawang pamilya sa hulaan ng top survey answers, umuwing panalo ang Ricketts Family na may jackpot prize na PhP200,000.

Ang episode na ito ay nakakuha ng 14 percent of ratings na mas mataas kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations base sa preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings.

Ang mataas na ratings na ito ay patunay na patuloy na minamahal at tinututukan ng maraming manonood ang good vibes na family game show ng GMA at mas marami pa ang nahu-hook dito kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Tuloy-tuloy din ang pamimigay ng papremyo ng Family Feud dahil bukod sa jackpot prize na naiuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na mga Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.

Patuloy na tumutok sa Family Feud, weekdays 5:40 p.m. sa GMA!

BALIKAN NAMAN ANG NAGING PAGBISITA NI KAPUSO PRIMETIME QUEEN MARIAN RIVERA SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.