Family Feud Dancing Riders
TV

Team Dancing Riders sa TikTok, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Congratulations, Dancing Riders!

Panalo ang team Dancing Riders sa kanilang paglalaro sa Family Feud kahapon, araw ng Martes (July 26), kung saan naiuwi nila ang PhP200,000 jackpot prize.

Ang team Dancing Riders ay binubuo ng ilan sa mga sikat na delivery riders sa TikTok na sina Ryan Viray, Yukii Artana, Rhic Maniego, at Jack Mendizabal.

Sa episode na ito ay nakalaban nila ang kapwa TikTok personalities na team The Jowa Squad kasama sina former Viva Hot babe Zara Lopez, ang kanyang asawa na si Simon Javier, at kanilang mga kaibigan na sina Marki Tan, at Bogart Millari.

Leading ang The Jowa Squad sa first two rounds ng game show sa score na 85 points pero nakahabol ang Dancing Riders sa third round sa score na 102 points at nagtuloy pa ito sa fourth round kung saan tumaas pa ang kanilang score na umabot sa 393 points.

Bigo man na magpatuloy sa final round ang The Jowa Squad ay nag-uwi pa rin sila ng PhP50,000 mula sa Family Feud.

Sa last round o fast money round nakakuha ng 212 points ang team Dancing Riders na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Nakakatanggap naman ng PhP20,000 ang Finest Magiting Eagles Club bilang napiling beneficiary ng Dancing Riders.

Ang team Dancing Riders na ang latest jackpot prize winner ng Family Feud, sinundan nila ang pamilya ng beauty queen na si Nina Ricci-Alagao na nanalo noong nakaraang linggo, July 21.

Samantala, bukas na rin ang pintuan ng Family Feud para mga nais maging studio live audience, magtungo lamang sa GMANetwork.com para sa iba pang detalye.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 ng hapon sa GMA.

KILALANIN NAMAN ANG CELEBRITIES NA MOTORCYCLE ENTHUSIASTS SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.