Team Madam Chair, nakakuha ng perfect score sa 'Family Feud!'
Simula pa lang ng linggo ay may nagwagi na naman ng jackpot prize sa more tawa, more saya, more premyo month-long 3rd anniversary ng Family Feud!
Ngayong March 17, nagwagi sa Family Feud ang Team Madam Chair na kinabibilangan nina Tuesday Vargas, Billy Joe Sarangelo, Marya at DJ Onse.
Nakalaban nila sa survey hulaan ngayong Lunes ang Team Vice Chair nina Buboy Villar, Naome Tamayo Villar, Jelai Andres at Kokoy De Santos.
Nanalo sa Fast Money Round ang Team Madam Chair dahil nakakuha sina Tuesday at DJ Onse ng 200 points. Naipanalo rin nila ang kanilang chosen charity na Angat Pinas.
Balikan ang winning moment ng Team Madam Chair:
Abangan ang More Tawa, More Saya, More Premyo 3rd anniversary episodes ng Family Feud, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.