
PhP200,000 ang nauwi ng Team Liwanag ng Ben&Ben ngayong March 13 sa Family Feud.
Ngayong Huwebes, muling naglaro sa Family Feud ang Ben&Ben para sa masayang survey hulaan. Naging bahagi ng Team Liwanag sina Miguel Benjamin, Agnes Reoma, Toni Muñoz, Jam Villanueva.
Napanood naman sa Team Mahiwaga sina Paolo Benjamin, Pat Lasaten, Andrew De Pano, at Poch Barretto.
Ang umabot sa jackpot o Fast Money Round ngayong araw ay ang Team Liwanag. Ang dalawang sumabak sa round na ito ay sina Miguel at Toni na nakakuha ng total of 226 points.
Nakapag-uwi ang Team Liwanag ng PhP200,000 at nakapagbigay rin sila ng premyo sa chosen charity na Angat Pinas. Ito ay ang pangalawang panalo ng Ben&Ben sa Family Feud dahil nakapag-uwi na rin sila ng jackpot prize noong 2023.
Balikan ang winning moment ng Team Liwanag sa More Tawa, More Saya, More Premyo 3rd anniversary episode ng Family Feud:
Manood Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. ng More Tawa, More Saya, More Premyo 3rd anniversary episodes ng Family Feud sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP20,000.