'Pinoy Big Brother' hosts at former housemates, mapapanood sa 'Family Feud'
Exciting na Biyernes (March 7) ang mapapanood sa Family Feud dahil makakasama ni Dingdong Dantes ang Pinoy Big Brother hosts at former housemates.
Bahagi ng 3rd anniversary special ng Family Feud ang star-studded showdown ngayong Biyernes. Mapapanood sa Family Feud ang Team PBB: Celebrity Collab na kinabibilangan nina Gabbi Garcia, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at Melai Cantiveros-Francisco. Sila ang hosts ng groundbreaking collaboration ng GMA Network na ABS-CBN Studios na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Makakalaban nila ang team na Ex-Boarders ni Kuya. Kasali sa mga former housemates na maglalaro sina Kazel Kinouchi, Fourth Solomon, Fifth Solomon, at Axel Torres.
Abangan ang exciting na tapatan na ito sa Family Feud ngayong Biyernes, March 7. Subaybayan din ang More Tawa, More Saya, More Premyo 3rd anniversary episodes ng Family Feud ngayong Marso sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Huwag din kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.
RELATED GALERY: MEET THE PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION HOSTS: