
Panalo ang Team Binibining Marikit sa "More Tawa, More Saya" episode ng Family Feud!
Sa episode noong Miyerkules (February 5), napanood ang Team Binibining Marikit na kinabibilangan nina Herlene Budol, Pokwang, Thea Tolentino, at Ashley Rivera. Nakalaban nila sa survey hulaan ang Team Lilet Matias: Attorney-at-Law nina Jo Berry, Tom Rodriguez, Analyn Barro, and Zonia Mejia.
Sa ginanap na survey tapatan ay nakakuha ng pinakamaraming tamang sagot ang team ng Binibining Marikit.
Pagdating naman sa jackpot round ay nakakuha ng 213 points sina Pokwang at Ashley kaya sila ang nanalo ng PhP 200,000. Ang napili namang charity ng cast ng Binibining Marikit ay ang GMA Kapuso Foundation.
Samantala, subaybayan ang pagtatapos ng Lilet Matias: Attorney-at-Law ngayong February 7. Abangan naman ang pagsisimula ng Binibining Marikit sa February 10 sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA NAGANAP SA MEDIACON NG 'BINIBINING MARIKIT':