'Family Feud' Guess to Win promo, magbabalik ngayong January 6!
Simulan natin ang exciting Enero na hatid ng Family Feud sa pagbabalik ng Guess to Win promo!
Sa January 6, muling magbabalik ang Guess to Win promo mula sa paboritong game show sa buong mundo na Family Feud.
Mag-e-enjoy na ang mga manonood sa tapatan ng celebrity guest players sa pagsagot sa survey questions, may chance pang manalo ang home viewers from Monday to Friday sa Guess To Win promo. Tumutok lamang sa Family Feud at ang mga manonood ay may pagkakataong manalo ng PhP 20,000 sa pagsagot ng mga survey questions.
Sa mga nais sumali, tumutok at sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud. Abangan ang mga inihandang tanong na lalabas sa inyong mga TV screens, hulaan ang top answers ng publiko sa mga tanong na ito at i-submit ang sagot sa Guess to Win promo page.
Para sa kabuuang detalye ng pagsali sa Guess To Win promo, bisitahin ang GMANetwork.com/FamilyFeudGuessToWin
Subaybayan ang Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA! Mapapanood din ang Family Feud online sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.