
Sa kauna-unahang pagkakataon, bumisita sa Family Feud studio ang paranormal investigator na si Ed Caluag nitong Martes, May 2, upang maglaro sa nasabing weekday game show kasama ang kaniyang pamilya.
Sa nasabing episode, nakaharap nina Ed ang team 'My Family' ng dating beauty queen na si Janina San Miguel. Bago mag-umpisa ang laban, agad na tinanong ng game master na si Dingdong Dantes kung may nararamdaman o nakikita ba si Ed sa loob ng studio.
Sagot naman ni Ed, “Malinaw na malinaw na nakikita ko, ang Family Feud, magtatagal pa 'yan at marami pang payayamanin at marami pang bibigyan ng biyaya.”
Samantala, sa kanila namang paglalaro, naiuwi ng team 'My Family' ni Janina ang PhP200,000 jackpot prize. Nabigo sina Ed na magpatuloy sa last round na fast money round nang hindi nila mahulaan ang huling survey answer sa tanong na, “Magagalit sa'yo ang asawa mo, kapag sinabi mong, 'Sweetheart nawawala ang ____ natin.'”
Matapos ang game tinanong naman si Ed kung kumusta ang experience niya sa paglalaro ng hulaan ng top survey answers.
“Si Dingdong lang ang nagpakaba sa akin, ang dami ko nang pinuntahan na nakakatakot na lugar hindi ako kinabahan e, pero dito kinabahan talaga ako,” birong sagot naman ni Ed.
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
BALIKAN ANG TRENDING AT MOST-WATCHED EPISODES NG FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: