GMA Logo Glaiza de Castro and Xian Lim in False Positive
What's on TV

'False Positive' pilot episode, humataw sa ratings

Published May 4, 2022 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro and Xian Lim in False Positive


Trending na, nangunguna pa sa ratings ang pilot episode ng unang GMA primetime series ni Xian Lim na 'False Positive' na nag-premiere noong May 2.

Positive ang pagtanggap ng mga manonood sa bagong fantasy rom-com series na False Positive na unang primetime series ni Xian Lim sa GMA. Katambal niya sa proyekto ang Asia's Acting Gem na si Glaiza De Castro.

Nakakuha ang pilot episode ng four-week special series ng rating na 9.6 percent base sa preliminary/overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Sa madaling salita, mas pumatok sa mga manonood ang False Positive kumpara sa katapat na programa nito na ipinalabas sa iba't ibang istasyon na nakakuha lamang ng combined rating na 6.3 percent noong Lunes.

Patuloy na subaybayan ang False Positive weekdays, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady sa GMA Telebabad.

Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Ang False Positive ay mula sa direksyon ni Irene Villamor.

Narito ang iba pang artistang napapanood at mapapanood sa GMA ngayong summer: