'False Positive' nina Glaiza De Castro at Xian Lim, mapapanood na ngayong May 2
It's official!
Mapapanood na ang inaabangang unang pagtatambal nina Glaiza De Castro at Xian Lim via GMA fantasy rom-com series na False Positive.
Mapapanood na ito ngayong May 2 sa GMA Telebabad.
Finally ay matutunghayan na ng mga manonood ang interesting project nina Glaiza at Xian tungkol sa isang lalaki na nabuntis matapos ang isang accidental curse.
Gagampanan ito ni Xian na lalabas bilang asawa ni Glaiza.
Para sa Asia's Fire of Drama, dream project niya na makagawa ng comedy.
Bahagi niya sa live Kapuso Kwentuhan noong March 21, "No'ng una kong nalaman na gagawin ko 'tong False Positive t'apos may pagka-comedy nga s'ya, na-excite talaga 'ko kasi ibang-iba 'yung story n'ya kasi nakikita n'yo ko na fierce 'yung mga characters na ginagampanan ko pero dito pa-sweet din ako."
Ayon pa kay Glaiza, ibang iba ang False Positive sa mga nakagawian niyang serye.
"Pinatapang po ako ng mga characters na ginampanan ko like sina Pirena pero masaya 'ko na nabali ulit 'yung gano'ng image and nabigyan ako ng opportunity sa comedy."
Inamin naman ni Glaiza na malaki ang adjustment niya pero hindi naman daw siya nahirapan sa pag-deliver ng kanyang role sa bagong series sa tulong ng kanilang director na si Irene Villamor at kanyang mga co-stars.
"Nakakatuwa no'ng nagkita-kita na tayo kasi walang awkwards moments kahit 'di na tayo online. Kahit online meetings lang, nakatulong s'ya nang malaki sa atin na mawala 'yung walls, 'yung awkwardness."
Karamihan sa cast ng False Positive ay first time nakatrabaho ni Glaiza, kabilang na ang leading man niyang si Xian.
"No'ng nag-uumpisa, 'di natin alam kung paano s'ya i-a-approach pero siya pa 'yung friendly, s'ya 'yung pala-bati. Napaka-hyper.
"'Di aware 'yung mga tao na may ganito pala siyang side at na-e-excite ako na makita 'yon ng mga Kapuso natin dahil first time nilang mapapanood si Xian sa Kapuso network."
Maliban sa first team-up nina Glaiza at Xian, dapat daw abagan ang lesson na makukuha ng mga tao sa False Positive tungkol sa pagbibigay ng importansya sa kababaihan at pagpapakita ng kakayahan ng kababaihan.
Tampok din sa False Positive sina Nova Villa, Tonton Gutierrez, Rochelle Pangilinan, Dominic Roco, Buboy Villar, Herlene "Hipon" Budol, and Luis Hontiveros.
Bago pa man matunghayan ang pagsabak ni Glaiza sa comedy, balikan dito ang mga natatangi niyang pagganap sa telebisyon: