GMA Logo Endless Love
What's on TV

Endless Love: Tinupad na ni Johnny ang pangakong kasal kay Jenny | Finale

By Aimee Anoc
Published September 27, 2021 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Beauty Gonzalez, sinabing very supportive sa kaniyang career ang mister na si Norman
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

Endless Love


Natuloy na ang kasal nina Johnny at Jenny

Sa huling linggo ng Endless Love, nagising na si Jenny Cruz (Marian Rivera) mula sa pagkaka-coma.

Agad naman siyang sinamahan ni Johnny Dizon (Dingdong Dantes) sa lugar na nais niyang puntahan. Dito, ipinagtapat nina Johnny at Jenny ang nananatiling pag-ibig sa isa't isa.

Sumang-ayon na rin si Jenny sa pagpapa-chemotherapy, ayon na rin sa pakiusap ng kanyang mga magulang na sina Suzy Cruz (Janice de Belen), Robert Dizon at Katherine Dizon (Tirso Cruz III at Sandy Andolong).

Matapos ang chemotherapy, sinabi ng doktor na wala ng nakikitang cancer sa katawan ni Jenny at maaari na itong umuwi.

Sa pag-uwi ni Jenny, tinupad na ni Johnny ang pangakong kasal para rito.

Sumang-ayon na rin ang buong pamilya sa desisyong ito nina Johnny at Jenny, maging si Andrew Tantoco (Dennis Trillo).

Humingi na rin ng tawad si Shirley Dizon (Nadine Samonte) sa lahat ng pagkakasalang nagawa niya kay Jenny.

Samantala, sa hindi inaasahang pagkakataon muling bumalik ang sakit ni Jenny, at sa pagkakataong ito mas mabilis nang kumakalat ang cancer sa iba pang parte ng katawan nito.

Sinabi rin ng doktor na hindi na kakayanin pa ni Jenny kung sasailalim ito sa panibagong chemotherapy. Kaya naman iniuwi na lamang nila si Jenny sa resthouse ng pamilya Dizon, ayon na rin sa kahilingan nito. Dito na rin tuluyang binawian ng buhay si Jenny. At sa kanyang huling sandali, masaya itong nasa piling ni Johnny.

Habang inaalala ang masasayang nakaraan nila ni Jenny sakay ng bisikleta, hindi namalayan ni Johnny ang paparating na truck sa kanyang likuran at tuluyan itong nabunggo.

Maraming salamat sa pagsusubaybay sa Endless Love. Samantala, balikan ang mga eksena sa Endless Love:

Endless Love: Chemotherapy for Jenny | Episode 76

Endless Love: Jenny's leukemia relapses | Episode 77

Endless Love: Mo more cure for Jenny's cancer | Episode 78

Endless Love: Johnny and Jenny finally get married | Episode 79