
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa August 21 (Biyernes) episode nito, nilusob ni Pirena (Glaiza De Castro) ang kaharian ng Sapiro sa pag-asang makukuha niya ito kay Prinsipe Ybrahim (Ruru Madrid).
Bago pa man tuluyang mapaslang ni Pirena si Ybrahim, darating ang mga Sang'gre na sina Amihan (Kylie Padilla) at Alena (Gabbi Garcia) upang iligtas ito.
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.