Filtered By: TV
Pagtakwil ni Hagorn kay Pirena | Ep. 82
Published On: July 15, 2020, 12:24 PM
Updated On: July 15, 2020, 04:51 PM
Balikan ang mga nangyari sa rerun ng 'Encantadia' nitong Martes, July 14.
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa July 14 (Martes) episode nito, tuluyan nang itinakwil ni Hagorn (John Arcilla) ang anak niyang si Pirena (Glaiza De Castro) lalo na't mayroon na siyang asawa na hinirang na bagong reyna ng Lireo na si LilaSari (Diana Zubiri).
Isinuko na rin ni Pirena ang Brilyante ng Tubig kay Hagorn upang hindi nito saktan ang kaniyang anak na si Mira (Kate Valdez) na kasalukuyang nasa mundo ng mga tao.
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.