LOOK: Marian Rivera is set to return on 'Encantadia'
Maraming nawala at nadagdag sa cast members ng Encantadia. Pero sa susunod na episodes ng iconic telefantasya, isang malaking character naman ang magbabalik!
Muling mapapanood si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na kilala bilang Ynang Reyna Minea sa GMA Telebabad soap. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktres ang kanyang larawan na suot ang headgear ng namatay niyang karakter.
Image courtesy of @marianrivera (IG)
Matatandaang pinatay si Ynang Reyna ni Asval noon kaya't nawalan ng ina ang apat na Sang'gre na sina Amihan, Alena, Danaya at Pirena. Muli nga bang mabubuhay si Minea? Abangan sa susunod na episodes ng Encantadia.
MORE ON 'ENCANTADIA':
WATCH: Jinri Park at Sheree, mga bagong sexy kontrabida sa 'Encantadia'
EXCLUSIVE: Paano gustong mamatay ni Glaiza de Castro si Asval sa 'Encantadia?'