GMA Logo Jireh Lim
Source: jirehlim (Instagram)
What's on TV

Love story ng isang school principal at janitor, inspirasyon sa awiting 'Buko' ni Jireh Lim

By Jimboy Napoles
Published February 23, 2023 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Jireh Lim


School principal na umibig sa isang janitor ang naging inspirasyon ni Jireh Lim sa kanyang hugot song na “Buko.”

Ibinahagi ng singer na si Jireh Lim sa Eat Bulaga na ang isa sa mga sikat niyang awitin na “Buko” ay hango sa totoong love story ng kanyang lola na isang school principal na umibig sa kanyang lolo na isang janitor noon.

Sa isang episode ng “Bawal Judgmental” sa nasabing programa kamakailan, tampok ang mga singer na may more than 70 million listeners ang hugot song sa Spotify. Kabilang sa mga choices ay ang singer-songwriters na sina Luke Mejares, Mark Carpio, The Juan's frontman na si Carl Guevarra, at si Jireh.

Kuwento ni Jireh, hindi umabot sa 70 million ang active listeners niya sa naturang music streaming platform dahil sumikat ang kanyang kanta taong 2013 at 2014 pero naipasok ito sa streaming platforms taong 2015 na.

Aniya, “Wala akong label nung time na 'yon. Independent po ako noon kaya late nang nalagay.”

Sa ngayon ay nasa 14 million downloads na ang “Buko,” habang nasa 20 million naman ang isa pa niyang hit song na “Magkabilang Mundo.”

Sa panayam kay Jireh, tinanong ng Eat Bulaga hosts na sina Jose Manalo at Maine Mendoza ang naging inspirasyon ni Jireh sa kanyang awitin na “Buko.” Dito na ikinuwento ni Jireh na inspired sa love story ng kanyang lolo at lola ang nasabing awitin.

Kuwento niya, “Lahat ng songs ko based on my experience pero ito lang yung song na binase ko sa love story ng lolo't lola ko.

“Kasi para sa akin sobrang mahiwaga ng pag-iibigan nila kasi 'yung lola at lolo ko noon 10 years 'yung age gap nila and 'yung lola ko noon principal sa isang school tapos 'yung lolo ko isang janitor so niligawan niya.”

Ayon kay Jireh tutol ang pamilya ng kanyang lola sa kanyang lolo pero pinaglaban nito ang kanilang relasyon.

“Sa lugar namin yung lola ko parang sila 'yung mga may-ari ng lupa so siyempre tutol 'yung family sa lolo ko pero pinaglaban niya talaga,” ani Jireh.

Paglalahad pa ng hugot singer, sinabi sa kanyang lolo na ang kanyang lola ay isang buko.

Aniya, "Alam mo ba, yung lola mo ay isang buko."

Nang tanungin naman niya kung bakit ay itong ang naging sagot ng kanyang lolo, "Kasi siya ang buhay ko.”

Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

Bisitahin din ang GMANetwork.com at ang social media accounts ng Eat Bulaga para sa iba pang updates.