
Kabilang si Denise Barbacena sa daan-daang nag-auditions sa "Bida Next" segment ng Eat Bulaga, kung saan naghanap ang programa ng bago nitong Dabarkad.
Noong July 2022, nagpakitang-gilas si Denise sa harap ng EB hosts at ipinamalas ang talento sa pagkanta, pagsayaw, pagpapatawa, at pag-arte. Hindi naman nabigo ang singer-actress dahil kasama siya sa mga nag-advance sa prejudging round ng kompetisyon.
Matapos ang tatlong buwan, muling humarap sa stage si Denise para sa pagkakataong mapasama sa top 17 Bida Next contestants. Hindi man pinalad na makapasok sa next round ng kompetisyon, masaya pa rin ang singer-actress sa pagkakataong naibigay sa kanya - na maipakita ang kanyang talento at makapagpasaya ng maraming tao.
Sa Playlist Live na naganap noong Miyerkules, February 8, ikinuwento ni Denise kung bakit nga ba siya sumali sa "Bida Next" segment ng Eat Bulaga.
"I guessed 'yung want talaga, 'yung want na to be out there, to be on stage, to be performing - kumanta, sumayaw, mag-host," sabi niya.
"Iyon lang 'yung willingness and 'yung want lang talaga na gawin 'yun kaya 'pag may opportunity for me, lalo na may auditions go lang talaga ako. Wala naman ding mawawala. Hindi man ako makapasok, ganoon talaga. Ganoon naman talaga most things in life 'di ba? Hindi naman lahat ay yes ang sagot," dagdag ng singer-actress.
Ayon sa aktres, naging "exciting at nerve-wracking" para sa kanya ang pagsali sa nasabing kompetisyon.
"Kasi hindi naman ako palaging nakakapunta, actually bihira nga akong makapunta sa 'Eat Bulaga' stage so medyo parang anxious and kinakabahan talaga ako that time. And of course you were auditioning din kasi so para kang nag-a-apply ng trabaho. Hindi mo alam kung anong magiging decision nila.
"Pero overall, very happy lang to be there kasi again it's an opportunity for me to showcase my talent and to cater din 'yung audience. Very fun lang, medyo nakakabitin kaya medyo nalungkot lang ako nang kaunti kasi sayang, parang nabitin ako roon sa pagkakataon na 'yun kasi nga sobrang saya talaga, you know kapag may audience kang napapasaya," kuwento ni Denise.
Binalikan din ng singer-actress kung paano niya hinarap ang naranasang wardrobe malfunction habang nagpe-perform sa harap ng EB hosts noong July, kung saan napigtas ang strap ng kanyang damit pang-itaas at nasira rin ang sapatos nito.
"Very flimsy kasi yung strap na suot ko nu'n and hindi ko napaghandaan na magsasayaw ako roon. Pagtaas ko ng mga kamay ko hindi ko na actually namalayan na nasira s'ya. After na lang when they were telling me. Hindi ko rin s'ya na-realize until they gave me a jacket.
"Hindi ko s'ya naramdaman kasi tight naman 'yung pagkaka-tube nung top ko pero 'yung strap n'ya natanggal and sumabay pa 'yung shoes ko na nasira 'yung strap. But overall, I was just really focus kasi sa performance and I was just enjoying myself kaya hindi ko na rin s'ya masyadong napansin. Luckily naman walang naging exposure. 'Pag inisip ko s'ya parang oopsy moment s'ya kasi 'Oh my God on national TV talaga.'"
Sa ngayon, patuloy na napapanood si Denise bilang Dr. Eula Sarmiento sa GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Samantala, inilabas na ng GMA Playlist ang live performance ni Denise sa kantang "Aking Mundo," isa sa theme songs ng sports drama series na Bolera.
MAS KILALANIN SI DENISE BARBACENA SA GALLERY NA ITO: