Filtered By: TV
eat bulaga
TV

Eat Bulaga: Pinay at isang foreigner, nagpakasal agad sa kanilang second meeting

By Jimboy Napoles
Alamin ang kuwento ng kasalan ng isang pinay at ng kanyang asawang foreigner sa 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga DITO:

Kinikilig na ikinuwento ng OFW na si Ann sa episode ng "Bawal Judgmental" sa Eat Bulaga kamakailan ang love story nila ng kanyang British husband na si Andrew Lawson.

Ayon kay Ann, nagtatrabaho siya sa Thailand nang makilala niya online si Andrew noong 2018. Nagkataon din na may pinagdaraanan siya noong panahon na iyon kaya't nakakuha siya ng source of happiness sa pagdating ni Andrew.

Kuwento niya, "Nasa Thailand po ako nung time na 'yun kasi I was teaching and then 'yun nag-message siya [sa Facebook].

"Actually, meron kaming mutual friend na elementary classmate ko, ayun lang 'yung mutual namin. Then, nag-message lang siya, e, during that time lumayo ako sa Pilipinas, after may nangyari. Kaya kapag may nagme-message, ayun nag-re-reply [ako], usap-usap."

Aminado naman si Ann na may takot pa rin sa una ang makipagkilala sa isang stranger online pero nakadepende naman daw ito sa inyong sitwasyon.

Aniya, "Hindi naman masama, actually oo, nakakatakot sa una pero nasa sa'yo naman kung paano mo iha-handle like kami ako kasi wala na akong takot 'nun, e."

Matapos ang ilang buwan na pag-uusap nakipagkita na raw noon si Ann kay Andrew sa Hong Kong kasama ang kanyang anak.

"Months lang e, kasi 2018 'yun then 2019 nag-vacation ako sa Pilipinas tapos nagpunta kami ng Hong Kong sinama ko 'yung anak ko doon kami nag-first meet," ani Ann.

Pagkatapos nito, hindi naman naputol ang pag-uusap nila ni Andrew pero hindi na nasundan ang kanilang pagkikita nang magkaroon ng pandemya.

"Bumalik ako ng Thailand with my daughter and then nag-work ako doon tapos ayun hindi na ulit kami nakapagkita kasi nag-pandemic naman," kuwento ni Ann.

Dahil hindi naman naputol ang komunikasyon nila ni Andrew online ay nagkaroon din sila ng paraan upang mas makilala nila ang isa't isa. Kaya naman sa sumunod nilang personal na pagkikita nito lamang Hunyo 2022, ay nagpakasal na sila.

"So sa second meeting namin, nagpakasal na kami," masayang sinabi ni Ann.

Tinanong naman ng Eat Bulaga host na si Maja Salvador si Andrew kung paano niya nalaman o naramdaman na si Ann na ang babaeng kanyang gustong pakasalan.

Sagot niya, "From the first time I've seen her I just knew. She's so beautiful and amazing."

Sa ngayon, naghahanda na sina Ann at Andrew upang magsama sa UK at ma-petisyon ang walong taong gulang na anak na babae ni Ann na si Tifanny Brielle.

Para sa iba pang inspiring stories sa "Bawal Judgmental," tumutok naman sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

NARITO ANG ILANG PINOY CELEBRITIES NA NAGKAROON NG RELASYON SA ISANG FOREIGNER:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.