Filtered By: TV
Miles Ocampo, Eat Bulaga
TV

Miles Ocampo, tagumpay na nakabalik bilang host sa 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Updated On: August 25, 2022, 01:29 PM
Welcome back sa 'Eat Bulaga,' Miles!

Matapos ang halos dalawang linggong challenges dahil sa kanyang pagiging "Bida Ex," matagumpay na nakabalik si Miles Ocampo bilang co-host sa longest running noontime show na Eat Bulaga.

Sa episode ng programa nitong Martes, August 23, kasama na ng dabarkads si Miles sa opening spiels at agad pa na bumanat ng kanyang paboritong "knock-knock" jokes. Nangako rin si Miles sa original hosts ng programa na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon na mas gagalingan niya pa ang hosting ngayong pinayagan na siyang makabalik.

Matatandaan na sumalang sa iba't ibang challenges si Miles upang muling matanggap bilang dabarkads kung saan nag-apply siya bilang camerawoman, production staff sa "Juan for All, All for Juan," pagtitinda sa labas ng APT studios, at ang kanyang all-out, doble-kara performance noong Sabado.

Panoorin ang pagbabalik ni Miles sa Eat Bulaga sa video na ito:

SAMANTALA, SILIPIN ANG TRANSFORMATION NI MILES FROM CHILD STAR TO TV ACTRESS SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.