Joey de Leon, may bagong lyrics para sa 'Eat Bulaga' theme song ngayong quarantine
In-update ni Joey de Leon ang lyrics ng Eat Bulaga theme song upang i-akma sa nangyayaring enhanced community quarantine ngayon.
Ilang popular na kanta ang pinapalitan ni Joey ng lyrics para sa kanyang #ToughHitsDuringToughTimes, kabilang na ang theme song ng longest-running noontime show.
Panimula ng Henyo master sa Eat Bulaga quarantheme song, “Mula noong lockdown, quarantine tayo / Wala nang pasok ang dabarkads niyo / Mga bahay, naging studio. Kapu-Zoom na, Eat Bulaga!”
Maliban sa kanta ng Eat Bulaga, nilapatan din niya ng ibang lyrics ang “Bahay Kubo,” “Ang Pasko ay Sumapit,” “Magtanim ay 'Di Biro,” “Leron Leron Sinta,” at “Awitin Mo, Isasayaw Ko.” Kabilang sa naging bagong tema ng mga kanta ay tungkol sa social distancing at ayuda.
Joey de Leon asks archangels for protection against COVID-19
Joey de Leon goes witty in renaming 'Eat Bulaga' during quarantine due to COVID-19 pandemic