'Eat Bulaga' airs episode from 30 years ago!
Isang major throwback episode ang inere ng longest running noontime show na Eat Bulaga ngayong araw, March 28.
Dahil sa enhanced community quarantine, hindi nakakapagtanghal ng mga episodes ang Eat Bulaga at minarapat nitong magpalabas muna ng lumang episodes nito.
Isa na rito ang 10th anniversary special na ginanap sa Araneta Coliseum at orihinal na umere noong September 23, 1989.
Ikinatuwa naman ng netizens ang pag-ere ng episode from 30 years ago.
Lakas maka #EBThrowback ang Eat Bulaga's 10th Anniversary! Congratulations! To the number 1 longest noontime show in the Philippines ❤ @EatBulaga pic.twitter.com/ED3Gs4ApFF
-- Rolly Mercado Zapata (@RMZapata22) March 28, 2020
Just compare now to HD reso, lighting, dance steps at higit mga attire nila with shoulder padding pa. Nice Eat Bulaga for bringing back time! pic.twitter.com/E6UW5p9ezd
-- Budz Ong∞ (@budzbfd) March 28, 2020
Watching Eat Bulaga's Throwback makes me feel nostalgic and you can really pin point the changes that occurred from before to today :))🥺 ♥️
-- nicole (@nicolebihagg) March 28, 2020
Ikinumpara pa nila ang batang si Bossing Vic Sotto sa guwapong si Captain Ri, ang karakter ni Hyun Bin sa hit K-drama na Crash Landing On You.
Captain ri 😂 Eat bulaga today pic.twitter.com/9WEFowc6RQ
-- Krizelle Canseco (@Tikeltikel) March 28, 2020
Ikinatuwa din nilang makita si Coney Reyes at napagtanto nilang buhay na si Vico, ang anak nila ni Bossing, nang orihinal na umere ang episode.
Si Mama nasa Eat Bulaga. Chaaaarr!!! Vico is only three months when this was aired. Wow. pic.twitter.com/uFoNz6fS1E
-- covidubadidap (@mahnaipo) March 28, 2020
Guest din sa aniversary special si Sharon Cuneta.
Sharon Cuneta on Eat Bulaga! pic.twitter.com/pt5CvU6OJG
-- Alyssa (@alysanasinabimo) March 28, 2020
Kaiblang din ang singer na si Keno, na sikat na sikat noong late 80s.
thank you Eat Bulaga for bringing back good memories. 🥰🥰🥰
-- Petunia (@petunialness) March 28, 2020
gwapo ni Keno 😗 pic.twitter.com/fto9Avhnih
Naaliw din ang netizens na balikan ang ibang Eat Bulaga regulars tulad ni Rene Requiestas at batang Aiza Seguerra, na kilala na ngayon bilang Ice.
Grabe ang feels nitong Eat Bulaga throwback. Ice Seguerra when he was still Aiza na sintunado pa kumanta. And right now, Rene Requiestas.
-- Agent P 📸 (@agent_pau) March 28, 2020
Dahil mula 1989, sa ABS-CBN unang umere ang episode. Taong 1995 nang lumipat ang Eat Bulaga sa GMA.
This episode of Eat Bulaga originally aired under ABS-CBN during their 10th Anniversary. pic.twitter.com/n81fJYns6q
-- 🆒 ANG (@coolangnakulang) March 28, 2020
Nasa 40 taon na sa ere ang Eat Bulaga, across three television networks. May mga franchise na rin ito sa mga bansang Indonesia at Myanmar.