TV

'Bawal Judgmental' ng 'Eat Bulaga,' trending dahil sa kuwento mga OFW na nakaranas ng pang-aabuso

By Marah Ruiz

Muling nag-trend sa microblogging site na Twitter ang Bawal Judgement segment ng longest running noontime variety show sa bansa na Eat Bulaga.

Umabot ito sa pangatlong spot sa top trends ng Twitter Philippines.

Si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang guest, habang mga OFW o overseas Filipino workers ang mga taong kailangan niyang pagpilian.

Ikinatuwa ng mga netizens ang mahalaga at napapanahong topic ng segment ngayong araw, February 1, 2020.


Humanga din sila sa sensitibo at magalang na asal ni Mayor Isko, lalo na nang malaman nito ang tungkol sa pang-aabusong naranasan ng mga OFW na kaharap niya.


Sa pagtatapos ng laro, nakalipon si Mayor Isko ng 35,000 PHP nga ipinangako niyang ipapamigay sa pitong OFW guests na nakasama niya sa segment.

Bukod dito, ibibigay din daw niya sa Philippine Heart Center ang talent fee na matatanggap niya mula sa show. Bilang suporta dito, tatapatan naman ng Eat Bulaga ang donation para sa nasabing ospital.


Naimbitahan din para sa segment si Mr. Jay Teves III, officer-in-charge ng Advocacy and Social Marketing ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na sumagot sa ilang mga katanungan tungkol sa mga isyung kinakaharap ng mga OFW ngayon.