GMA Logo joey de leon vic sotto tito sotto
What's Hot

Joey de Leon, ikinuwento kung saan nanggaling ang pangalan ng "Eat Bulaga"

By Loretta Ramirez
Published July 30, 2019 1:11 PM PHT
Updated January 8, 2024 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

joey de leon vic sotto tito sotto


May halong divine intervention pala ang pangalan ng show na 'Eat Bulaga.' Alamin sa kuwento ni Dabarkad Joey de Leon.

Kakaiba ang naging opening ng Eat Bulaga ngayong araw (July 30). Ngayong kasi ipnagdiriwang ng longest running noontime show ang kanilang ika 40th anniversary.

Sa isang libo't isang tuwa na pinagsaluhan natin sa 12,408 na tanghalian. Maraming salamat mga Dabarkads! Happy Anniversary :)

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on


Nagkuwento ang mga haligi ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) tungkol sa kanilang pinagdaanan sa show.

LOOK: Eat Bulaga, full-force sa barangay sa pagdiriwang ng 40th anniversary

Isa na dito ay kung saan nga ba nagsimula ang pangalan ng kanilang programa.

"Nasa kusina ako nina Tito noong naisip ko 'yung pangalan" kuwento ng nag-iisang Henyo Master.

"Tapos 'yung kusinero nila nandun siya. Ang pangalan niya Jesus" dagdag pa ni Joey. Kaya raw naisip niya na divine intervention ito at gamitin ang "Eat" bilang pananghalian ang kanilang show at "Bulaga" dahil sa sikat na laro ng mga bata noon ang "It...Bulaga."

Ito rin ang naging basehan ni Joey sa paggawa ng kanilang unang slogan na "Habang May Bata, May Eat Bulaga."

At tila nagkatotoo nga ito dahil hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sa ating pananghalian ang Eat Bulaga.

Happy 40th anniversary, Dabarkads!