WATCH: Aira Bermudez, tumatanaw ng utang na loob sa 'Eat Bulaga'
Nagbalik-tanaw si Aira Bermudez sa kanyang magagandang alaala bilang bahagi ng SexBomb Girls ngayong nagdiriwang ng 40th anniversary ang Eat Bulaga.
Ibinahagi ni Aira ang kanyang video habang sumasayaw kasama ang all-female group na pinasikat ng Eat Bulaga. Aniya, malaki raw ang kanyang pasasalamat sa idinulot ng longest-running noontime show sa kanyang career at personal na buhay.
WATCH: Happy 40th anniversary, Eat Bulaga!
Sulat niya, “Year 2000 (July 15) ako nag simula sa @eatbulaga1979 dahil na discover ako ng aming manager Ms. @joycancio.ph at sa "MERON O WALA" game show ako unang sumayaw. Simula ng unang araw na kumembot [a]ko sa Eat Bulaga nag simula na mabago ang buhay ko at nag bukas ang pinto para sa mga pangarap ko bilang isang dancer.”
Sambit ni Aira, #foreverdabarkads siya.
“Eat Bulaga ang nagbigay ng opportunity para makilala ang isang grupo na naging 2nd family ko ang "SEXBOMB GIRLS" at habang buhay ako mag papasalamat sa chance na binigay sa grupong "SEXBOMB" dahil lahat ng pangarap namin ay natupad at hanggang ngayon patuloy kami LUMALABAN at nag GET GET AWWW para mag bigay saya at para makatulong sa aming mga pamilya,” patuloy niya.